Jarvis and Zhen hospital scene [full]
NAPAPTINGIN SI Zhen sa pinto ng hospital room niya nang marinig niyang may pumihit sa door knob. Nanalangin siya na sana ay hindi iyon nurse or worse, doctor. Kung doctor man ay sana si Heather iyon. Mahimbing na natutulog sa tabi niya si Corinne at ayaw niyang paalisin ito ng nurse. Ayaw niyang pakawalan iton kay may iilang pasa itong nadidiinan. Mukhang unti-unti nang nawawala ang bisa ng pain killers niya. Unti-unti nang nanunumbalik ang mga sakit sa iba’t ibang parte ng katawan niya. Ngunit mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman niya para kay Corinne. The facts he found out today made him fume. Hindi niya alam na possible ang gan`on katinding galit sa puso niya. Ngunit hindi siya nagpadala. He can’t do anything to change Corinne’s past. But hell he’ll do whatever it takes to make her future beautiful.Kakaalis lang nila Kuya Flynn, Ate Jarysse at Penelope sa kuwarto niya. They didn’t talk a lot, just wished him well. Ayon sa dalawa niyang kapatid ay sa bahay nalang sila mag-uusap, since he was going to be released the next day and Kuya Flynn was going to stay for a week. Pen said her apologies and told him to take care of Corinne. Lumapit lang din sa kanya si Kuya Flynn para humingi ng tawad sa ginawa ni Alice. Of course, he understood and he wished him well. Iyon ang pagkakapareho nila ni Kuya Flynn, they loved too much. Nakahinga siya ng maluwag nang si Jarvis ang pumasok. Ngumiti ito sa kanya. “Nakatulog na iyan diyan,” anito na itinuro si Corinne. Saglit niya itong tiningnan saka siya tumango. “Mukhang pagod na pagod eh.” “Mambugbog ka ba naman ng isang tao hindi ka mapapagod?” He glared at his friend. Itinaas ni Jarvis ang dalawang kamay bilang pagsuko. “Okay, okay. Hindi na ako magsasalita. But in all fairness, Zhen, Corinne was dead worried of you. When you passed out, she started crying. Kung hindi ako nagkakamali, may sampung death threats nang nakapatong sa`yo. One that involves a twisting knife on your chest, a bullet through your brain and I believe castration was mentioned.” Napangiwi siya. Ugali na talagang maging morbid ni Corinne kapag sobrang nag-aalala ito. “No wedding vows? Wala bang sinabi na, ‘Gumising ka lang at pakakasalan kita?’” “Wala `tol eh. Isa-suggest ko kay Corinne tapos pabugbog ka ulit baka sakaling magkar`on.” Natawa ito at siya naman ay napatirik ng mga mata. “Ano ba kasing sinabi niyo?” “I had to make my move, man. Hindi ka niya naiintindihan eh. So I explained a little. Pero sigurado akong si Ate Jarysse at Kuya Flynn ang nag-held ng seminar sa kanya sa cafeteria.” Pumalatak siya saka bumuntong-hininga. “Wala na akong magagawa sa mga in-explain ni Jand Laryssa at ni Kuya Flynn. May tiwala ako sa mga kapatid ko. Pero ikaw…” Naningkit ang mga mata niya. Idinikta nito isa-isa ang mga kinuwento nito kay Corinne. Bago pa matapos si Jarvis ay dahan-dahan niyang tinanggal ang braso mula sa pagkakasandal ni Corinne. Inabot niya ang mansanan sa mesa gamit ang kaliwang kamay niya saka binato it okay Jarvis. Nasapol ito sa ulo. “Aray! Ano ba, `tol?” singhal nito. “Ba’t mo sinabi iyon?! Sobra-sobra na nga iyong nararamdaman niya, kinonsensya mo pa. You emotionally tortured her.” Hinimas-himas nito ang parte ng ulo nito na nasapul niya ng mansanas. “Well, we had to. Kinailangan naming klaruhin sa kanya ang sitwasyon dahil sigurado kaming hindi mo ibubunton sa kanya ang mga dapat sabihin sa kanya. And besides, you’re doing a lousy job in making her understand. You can’t just keep loving a person without allowing her to grow, Zhen. Hindi pwedeng tatanggapin mo nalang lahat ng pagkakamali niya nang hindi niya nalalaman na mali iyong ginawa niya.” “Ayokong masaktan siya.” “Minsan kailangan mong saktan ang isang tao para matuto siyang umunawa. Kita mo kung s’an ka dinala niyang kamartyr-an mo. You allowed yourself to be a human punching bag, for Petes sake!” “Atleast hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay.” Magsasalita pa sana si Jarvis pero hindi nito iyon natapos. Agad nagbago ang ekspresyon sa mukha nito. He muttered a curse under his breath. “I’m sorry, Jarv. Hindi ko sinasadya,” aniya. Alam niyang may isang pagkakataong pinagsisisihan si Jarvis sa buhay nito. At iyon ay ang mapagbuhatan ng kamay ang nobya nitong si Heather. He could still remember the days when Jarvis asked him to punch him. Sa tuwing maaalala nito ang nagawa nito kay Heather ay nagpapasapak ito sa kanya. At first, he was more than willing to oblige. Pero n`ong dumalas na, sinubukan niya nalang kausapin ito. “Hindi, okay lang.” Pumalatak siya. “Forget about it, Jarvis. Napatawad ka na naman ni Heather.” Bumuntong-hininga ito saka nasandal sa pader. “I cook for her everyday; breakfast, lunch dinner. Sinusundo ko siya in every chance I get. I do her reviewers for her major exams, help her re-check all her reports, highlight important details on her book so it’ll be easier for her to take down notes, tuck her to bed each time I can and love her with all my heart and soul.” He smiled bitterly and shook his head. “Pero hindi ko parin mapatawad ang sarili ko, Zhen.” “Kahit pa nag-three-day military training ka kay Tito Lloyd?” Naaalala niya pa iyong stressed na stressed na mukha ni Jarvis pagkatapos ng tatlong araw kasama ang ama ni Heather na isang lieutenant. Ayon kay Jarvis, kusa itong nagpa-parusa sa ama ni Heather dahil hindi ito makatulog sa gabi. Bahagya itong tumawa saka tumango. “Oo. Hindi ako makapaniwala na ipinagkatiwala parin sa akin ni Tito si Heather kahit nagawa ko iyon. Habang-buhay kong papatunayan sa kanya kung g`ano ko kamahal `yung bugnutin na iyon.” “Sinong bugnutin?” ani ng boses mula sa pabukas ng pinto na ikina-ngiwi ni Jarvis. Sumungaw si Heather sa pinto nang nakataas ang isang kilay. Napakamot ng batok si Jarvis. “Nasabi ko na bang mahal na mahal kita, Doc?” bawi nito. Lumapit ito sa nobya, inakbayan ito at hinalikan ito sa noo. “One hour ago pa. I feel neglected,” pagbibiro ni Heather nang nakangisi kay Jarvis. Bumaling ito sa kanya. “Your wounds are tender, Ereje. Sisigaw ka sa sakit pag tuluyang nawala ang epekto ng pain killers mo,” anito. “Maya-maya, papasok na dito iyong nurse para sa hapunan mo. You’ll need a new set of pain killers if you’ll remain in that position.” Tumango siya. “Thank you, Doc Peralta.” Napatirik lang ito ng mga mata saka tumingin kay Jarvis. “At ikaw, ano nanaman iyong dinadrama mo kay Zhen?” “Sinasabi ko lang sa kanya kung gaano kita kamahal, sweet,” pakli ni Jarvis. Saglit itong kumaway sa kanya bilang pagpapaalam bago binuksan ang pinto. “Eh ba’t sa kanya mo sinasabi? Siya ba girlfriend mo?” “Nire-rehearse ko lang,” naulinigan niyang pakli ni Jarvis nang maisara ang pinto. Napangiti siya. Gusto niya ng gan`on. A relationship full of fun and love. Countless times of teasing and pissing each other off, and long hours of apologizing to each other.
Muli niyang binalingan si Corinne. Namamaga parin ang palibot ng mga mata nito. Ngunit kahit gan`on ay ito parin ang pinakamagandang mukha para sa kanya. And he’ll spend that whole hour just looking at her face. He’s a happy man.
Muli niyang binalingan si Corinne. Namamaga parin ang palibot ng mga mata nito. Ngunit kahit gan`on ay ito parin ang pinakamagandang mukha para sa kanya. And he’ll spend that whole hour just looking at her face. He’s a happy man.
Published on August 16, 2013 21:11
No comments have been added yet.
Mariane Reign's Blog
- Mariane Reign's profile
- 55 followers
Mariane Reign isn't a Goodreads Author
(yet),
but they
do have a blog,
so here are some recent posts imported from
their feed.
