HALOS LAHAT NA YATA ng tao sa buong planeta ay merong cellphone. Dati-rati, napakatagal ng pagpapalitan ng mensahe. Ang isang sulat ay inaabot ng isang lingo bago makarating sa patutunguhan at isang lingo ulit bago makarating ang sagot. Pero dahil sa technology, isang pindot lang ng SEND, nakakarating na agad ang mensahe natin. Pero bukod sa pagiging isang instrument of communication, meron ba tayong maaring matutunan pa sa paggamit ng cellphone? What life lessons can we learn from cellphone use?