Jump to ratings and reviews
Rate this book

18 Things To Consider While Young / 14 Things To Refuse While Young

Rate this book
Youth is foundational.
Important things have to be done and put in place.

Psalm 26:5 I abhor the assembly of evildoers and refuse to sit with the wicked.

Kinamumuhian ko ang mga barkadahan na gumagawa ng mali. Tinatanggihan kong makiupo, makisalamuha at makisama sa mga masasama. Dapat tayong tumanggi pero ang tanong ay kung bakit kailangang tumanggi? Anu-ano ang mga bagay na dapat nating tanggihan upang magkaroon ng magandang kinabukasan? Upang manaig ang kagustuhan ng Panginoon sa ating buhay? Upang huwag magtagumpay si Satanas? Things that if we refuse will help us develop into the fullest person that God meant for us to be.

MINSAN lang dumaan ang panahon ng kabataan. “I shall not pass this way again,” sabi nga ng isang tula. At kung ang kalimitan sa mga messages sa mga kabataan these days tend to be deep, profound and doctrinal, let me give you, the young people, some practical tips from a has-been. There are so many things that our youth today have to consider while they are young. Anu-ano ang mga ito at bakit?

76 pages, Paperback

First published January 1, 2004

31 people are currently reading
683 people want to read

About the author

Ed Lapiz

46 books256 followers

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
121 (68%)
4 stars
27 (15%)
3 stars
16 (9%)
2 stars
5 (2%)
1 star
7 (3%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 15, 2013
Ok lang. Di na applicable sa akin dahil 49 na ako tapos may "while young" sa title. Pero sabi nga nila ang edad naman daw ay nasa isip lang. Tsaka may 18 y/o ako na anak na babae kaya noong makita ito ng misis ko, sabi nya, "mukhang maganda ito, pa." Sabi ko naman "oo, bagay yang mabasa na anak natin."

Pero siguro, hindi na lang. Alam na nya na ang mga ito. Halimbawa doon sa pinakaunang consider while young ni Lapiz: take care of your teeth. Siyempre, noon pang bata ang anak namin, sinasabi na yan. Ngayon 18 na sya, nakikita ko naman that my daughter takes care of her teeth. I mean siguro itong librong ito, para lang sa mga batang matitigas ang ulo o yong di masyadong nasusubaybayan ng kanilang mga magulang. Ganito rin ang pakiramdam ko kung bakit sikat yong mga blogs ni Ramon Bautista. Yong mga kabataan na di makapag-open up sa kanilang mga magulang. Siguro nahihiya o yong mga magulang sobrang busy kaya walang oras para sa kanilang mga teenager na anak.

Wala namang maling itinuturo ang librong ito. Kaso common sense lang lahat. Tapos, kumpara sa unang libro ni Lapiz na nabasa ko, ang Siksik, Liglig, at Umaapaw: Work, Invest, Save, Give Atbp. (3 stars), halos pilit lang at kokonti ang references sa Bibliya sa aklat na ito. Yong iba nga sa mga payo niya, hindi na niya na-relate sa mga verses sa Bibliya. Hindi ko naman ini-expect na laging may references pero di ba, kaya nga Ed Lapiz book ito at di naman sya si Ramon Bautista.

Tapos yong ibang refuse ay nireverse lang na consider kagaya ng pre-marital sex. Parang may hangup si Lapiz sa pre-marital sex kaya dito sa back-to-back series parang sinasabi nya in both positive and negative statement:
Consider #17: Avoid pre-marital sex
Refuse #2: Pre-marital sex
Wala lang. Para lang sobrang emphasis o parang baka lang di napansin. Kakaiba kasi ito lang ang hayagang baliktaran.

Ok lang. Baka naisip nyang bigyan ng emphasis.
Profile Image for Juds.
8 reviews2 followers
March 16, 2022
Okay naman 1st book ko to na isang Christian Pinoy ang author hehe. Want to read more of his works pero parang may kulang lang sa book, may mga paulit ulit rin na mga points
Displaying 1 - 4 of 4 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.