Jump to ratings and reviews
Rate this book

Sentimental, mga tula ng pag-ibig, lungkot at paglimot

Rate this book
Ipinagdiriwang sa koleksiyong ito ang iba't ibang matinding pag-ibig at pangungulila, gaya ng pag-ibig na karnal, pag-ibig sa magulang, pag-ibig sa kapuwa, at pag-ibig sa bayan.

(This poetry collection celebrates a range of intense feelings of love and loss, such as erotic love, love for the family, for the everyman, and for country.)

87 pages

First published January 1, 2004

44 people are currently reading
582 people want to read

About the author

Virgilio S. Almario

137 books288 followers
Virgilio S. Almario, better known by his pen name, Rio Alma, is a Filipino artist, poet, critic, translator, editor, teacher, and cultural manager. He is a National Artist of the Philippines.

Growing up in Bulacan among peasants, Almario sought his education in Manila and completed his degree in A.B. Political Science at the University of the Philippines. A prolific writer, he spearheaded the second successful modernist movement in Filipino poetry together with Rogelio G. Mangahas and Lamberto E. Antonio. His earliest pieces of literary criticism were collected in Ang Makata sa Panahon ng Makina (1972), now considered the first book of literary criticism in Filipino. Later, in the years of martial law, he set aside modernism and formalism and took interest in nationalism, politics and activist movement. As critic, his critical works deal with the issue of national language.

Aside from being a critic, Almario engaged in translating and editing. He has translated the best contemporary poets of the world. He has also translated for theater production the plays of Nick Joaquin, Bertolt Brecht, Euripedes and Maxim Gorki. Other important translations include the famous works of the Philippines' national hero, José Rizal, namely Noli Me Tangere and El Filibusterismo. It was deemed as the best translation by the Manila Critics Circle.

Almario has been a recipient of numerous awards such as several Palanca Awards, two grand prizes from the Cultural Center of the Philippines, the Makata ng Taon of the Komisyon sa Wikang Filipino, the TOYM for literature, and the Southeast Asia Write Award of Bangkok.
He was an instructor at the Ateneo de Manila University from 1969-1972. He only took his M.A. in Filipino in 1974 in the University of the Philippines. In 2003, he was appointed Dean of the College of Arts and Letters in the said university. In June 25 of the same year, he was proclaimed National Artist for Literature.

Almario is also the founder and workshop director of the Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), an organization of poets who write in Filipino. Award-winning writers and poets such as Roberto and Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, and Vim Nadera are but some of the products of the LIRA workshop.

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
85 (48%)
4 stars
29 (16%)
3 stars
33 (18%)
2 stars
16 (9%)
1 star
14 (7%)
Displaying 1 - 8 of 8 reviews
Profile Image for K.D. Absolutely.
1,820 reviews
December 24, 2012
Nakakatuwang basahin. Tinipon ng Pambansang Alagad ng Sining na si Rio Alma (Virgilio S. Almario) ang kanyang mga tula tungkol sa pag-ibig. Umaga ng bisperas ng Pasko at ito ang binasa ko. Nakakagaan ng kalooban ang mga tula. Ang mga taludtod na waring nangungusap sa puso. Ginugulatay ang mga himaymay ng kaisipan upang ipadama ang tamis at siphayo ng pusong nagmahal. Pinapaigting ang pintig at pitlag ng mas masuwerteng pusong kasalukuyang nagmamahal at minamahal. Kaya't angkop ito sa Pasko: ang Diyos ay pag-ibig. Tayo'y mahal ng Diyos. At nais nyang ibahagi natin ang pagmamahal na ito sa ating kapwa ng walang pagiimbot at ng buong puso. Kahit raw kaaway ay ating mahalin. Ang ibig lang sabihin yata'y lahat ng tao ay ating dapat mahalin kung sinasabi nating mahal natin ang Diyos. Tama ba?

Gaya ng nakagawian, tinutupi ko ang mga pahina ng mga tulang nagustuhan ko. Narito ang ilan sa kanila at kung bakit ko sila naibigan:

Malungkot ang May Napipilas sa Aking Katawan ngunit sakto ang mga salita upang ipahayag ang nararamdan ng isa bigo sa pagibig. Ito yong mga saknong na parang pumukaw sa isip ko ngayong umaga:
Kung iluha ko ang lahat ng lihim,
Lihim din kung tanggapin ang patalim;
Kaya puso itong matatakutin
Sa nakikinitang sumbat sa dilim.

Puso itong sa dami ng ininda,
Walang natira kundi alaala.
Ganda lang. Sasabihin na naman ni Beverly (nagbigay ng pangalawang kopya ko ng librong ito), bakit puro malulungkot ang gusto ko.

Hindi sakto ang mensaheng nais ipahiwatig ng Sinusukol Tayo ng mga Bulaklak. Hinulaan ko na lang na ito ay tula tungkol sa pagmamahal na bawal o kung hindi man ay may mga agam-agam sa kanilang pagmamahalan. Pansinin ang dilim sa unang taludtod at ang poot at bigkis ng puso sa pangatlo:
Sinusukol tayo ng mga bulaklak
Kung gabing manipis ang samyo ng tala;
Duguan ang dampi ng dilim sa dibdib,
Malagim ang bukal ng mga gunita.

Nilalango tayo ng bango't talulot
Kung walang magningas na landas sa gubat,
At pagyakap natin sa banig at kumot,
May punyal ang bawat aninong lumatag.

Ito ba'y pagsubok sa ating pag-ibig,
O pantig ng abo sa ating pangako?
Mahal bigkasin mo ang tinig ng poot
Na siyang pumanday sa bigkis ng puso...

Di tayo iidlip sa mga bulaklak
Di tayo susuko sa libong magdamag.
Ito yong gusto ko kahit sa prosa. Yong kuwentong hindi ibinibigay lahat at ako ang magiisip bakit may mga ganoong sinasabi.

Ito namang Pagbabalik ay isa sa mga pinakamaiksing tula sa koleksyong ito na nagpanumbalik sa mga ala-ala ko sa pagkabata sa probinsya dahil sa hangin at saging at sa mga panahong wala ang nanay ko dahil sa kanyang trabaho:
Umaawit ang hangin
Sumasagaw ang saging,
Alam nila, marahil,
Na ikaw ay darating
Puwede ring isang lalaki (saging) na naghihintay sa kanyang asawa o kasintahan haha. Pero ang naisip ko ay ang puno ng saging sa mga banggerahan ng bahay namin sa probinsya. Yong saging na may bunga at ang bunga at hinog na at baka malaglag lang sa lupa at masayang. Pansinin ding walang tuldok ang huling taludtod. Parang may mga sasabihin pa pero gustong ilihim.

Maganda rin ang Tipanan dahil ito ay erotiko: ang pagtatagpo ng lihim ng magsing-irog na hindi alintana ang mga kagat ng langgam habang nagniniig. Poignant ang Tag-ulan ni Inay at ramdam mo ang pagmamahal ni Rio Alma sa nanay niya. Naala-ala ko tuloy ang nanay ko sa Amerika na lubhang nami-miss ang buhay sa probinsiya. Tulad ng nanay ni Rio Alma, noong narito pa sa Pilipinas ang nanay ko, lagi nyang gusto sa probinsiya kaysa rito sa Maynila. Sa tulang Ang Batang Ito naman ay binaybay niya ang paglaki ng isang bata mula sa kamusmusan hanggang sa lumaking makata. Parang si Rio Alma na nagdadagayday ng kanyang sariling buhay. Sa Paguwi ay parang nagpupugay si Rio Alma sa mga overseas contract workers at binibigyan ng kasiguraduhan na ang mga naiwang mahal sa buhay ay ganoon pa rin pagbalik nila. Ngunit ang nagbago, kung mayroon nagbago ay walang iba kundi sila.

Nguni't ang pinakapaborito ko ay ang Ritwal. Malungkot na kung malungkot pero ito yong sapul na sapul at dalawang beses ko pang binasa. Narito ang buong tula:
Walang mintis, bago siya makaalis,
Magtatanong nang magiliw ang maybahay
"Ang baon mo, dala mo ba?"
Aayusin ang kuwelyo at butones,
Nakangiting sasabihin nang mahinay:
"Sa pagtawid, mag-ingat ka."

Kahit ngayon, bago siya makaalis,
Sinusulyapan ang larawan ng maybahay:
"Ang baon mo, dala mo ba?"
Aayusin ang kuwelyo at butones,
Uusalin sa sarili nang mahinay:
"Sa pagtawid, mag-ingat ka."
Lungkot 'no? Namatay ang asawa niya at lagi niyang kinakausap ang larawan bago sya umalis ng bahay. Wala lang. Sapul ang kurot sa puso. Bago ako malungkot ng sobra, itigil ko na ang kaku-kuwento ng mga tula ni Rio Alma. Unang libro ko itong binasa na sinulat nya at wala akong dudang nararapat nga siyang hirangin at hangaan bilang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining.

Maligayang Pasko sa inyong lahat!
Profile Image for Tuklas Pahina (TP).
53 reviews25 followers
January 22, 2015
Dahil sa napakaganda ng mga Tula, napansin at naramdaman ko ang hinagpis, kirot, lungkot, hapis at muling alalahanin o gunitain ang mga nangyari sa Inang Bayan, sa Kapuwa, sa Magulang, sa mga karanasang Karnal na matindi ang pangungulila.

Sa aking pagbabasa ay tunay na binigyan diin ang pagkakagamit ng mga salita upang ilarawan ang matinding pag-ibig bagamat hindi kaaya-aya ang sinapit ng iba tungo sa kalungkutan ay masasabi kong ito ay sumasalamin sa tunay na karakter ng mga tao sa pang araw-araw na pamumuhay lalo't kung pag-uusapan ang lugmok na Bayan- ang mga Anakpawis na gaya ko nabiktima ng korapsyon at kawalang hustisya.

Ninanais kung limutin ito pero pilit na binubuhay ng mga alaala ng Tula ni Rio Alma, upang ang sentimiyento natin ay makiramay sa pag-ibig at pangungulila.

Paborito kong Tula rito ay iyong Pag-ibig at Hinagpis.
Profile Image for Wienna.
43 reviews
January 16, 2022
Sa totoo lang, para sa akin ay mahirap unawain ang nilalaman dahil malalalim ang mga ginamit na salita.

4/5 ang rate ko kasi kahit hindi ko lubos na naintindihan word per word, it's like I understood it by heart. Weird pero that's how I felt, and that's the truth.

Mahal na mahal ko ang mga tula. Natutuwa ako habang nagbabasa kasi una, in Filipino language at pangalawa ay dahil mas nanabik akong magpatuloy sa pagkatuto ng pagsulat at sumubok na maging manunulat.
Profile Image for Jessie Jr.
66 reviews24 followers
July 12, 2015
Hindi ko agad nadama, pero ngayon na naintindihan ko na ang tunay na kalungkutan at sentimental ng akdang ito, masasabi ko na ito ang tunay na akdang nakaaalam ng totoong depinisyon ng pag-ibig.
Profile Image for Eduardo.
21 reviews3 followers
June 14, 2015
Collection of love poems that were written in different dates. Love is not always about relationship with someone. Love has many aspects in this poem and Rio Alma justified it.
1 review
Read
September 20, 2015
amazing
This entire review has been hidden because of spoilers.
Displaying 1 - 8 of 8 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.