Bago naglaho si Janus habang naglalaro ng tala, nakita ni Manong Joey sa utak nito ang hinahanap nilang paraluman.
Sinundo ni Renzo si Mica sa Balanga para protektahan ito sa Angono at dahil may kaugnayan ito sa paralumang nakita ni Manong Joey kay Janus. Samantala, nasa Kalibutan pa rin sina Manong Isyo para hanapin si Mira na malamang na nakuha ng mga mambabarang. Walang kaalam-alam ang lahat kung nasaan na si Janus hanggang sa makita ni Manong Joey na humihiwalay ang anino ni Renzo sa katawan nito at maaaring matagal na pala itong ginagamit ng Tiyanak!
Edgar Calabia Samar is a multi-awarded poet and novelist from the Philippines. His first novel, Walong Diwata ng Pagkahulog, received the NCCA Writer’s Prize in 2005, and its English translation as Eight Muses of the Fall was longlisted in the Man Asian Literary Prize in 2009. In 2013, he received two Philippine National Book Awards––one for his second novel, Sa Kasunod ng 909 (Best Novel), and another for his book on the creative process, Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela (Best Book of Criticism). Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon, the first book in his YA series Janus Silang, also received the Philippine National Book Award for Best Novel in 2015 and the Philippine National Children’s Book Award for Best 2014-2015 Read in 2016. He has also received prizes for his poetry and fiction from the Palanca and the PBBY-Salanga Writer’s Prize. His other books include Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay, a poetry collection, and 101 Kagila-gilalas na Nilalang, a children's encyclopedia of Philippine fantastic creatures. In 2010, he was invited as writer-in-residence to the International Writing Program of the University of Iowa.
Dalawang beses ko nang nabasa ang Janus Silang 3 ito pero hindi ko pa rin mapagkasya sa sisidlan ng pagkamangha ang aking pagkamangha sa librong ito. Solid!
Ang daming major events, revelations, twists ang nangyari. Maraming tanong ang nasagot pero marami ulit na tanong ang umusbong. Lalo na iyong may kinalaman sa mga tauhan na hindi ko babanggitin kung sinu-sino dahil spoiler.
Gustong-gusto ko yung mga bagong elemento na nadagdag at hinabi sa libro. Time travel, Phil. myth na sing-interesting ng Greek myth, historical events at marami pang ibang magpapabilib sa'yo.
Kung nakulangan ka man sa book 1 at book 2, naku, masosobrahan ka talaga sa impormasyon sa librong 'to. Nakaka-overwhelm, promise. Pero makakahinga ka pa rin naman dahil may mga light moments at banter na nagdagdag ng katingkaran sa kwento.
Entertaining pa rin kagaya noong dalawang unang libro sa 5-book fantasy children's series na ito. Kung sa unang aklat ay ipinakilala ang mga pangunahing tauhan at sa pangalawang aklat ay ang Kalibutan, dito sa pangatlong akda ay sinimulan nang palalimin ang plot. May mga bago ring mga tauhan at ipinakilala ang kanilang (bago at dating mga tauhan) mga kapangyarihan bilang mga "hindi tao."
Ang nakakahanga rito sa pangatlong akda ay kung paano ginawang interesado ni Sir Egay ang bawat subplot ng kuwento. Dalawang parallel na mundo. Mga taong nagyayao't parito sa iba't ibang panahon at ang iba'y nakakapag-ibang anyo. At hindi lang basta himala o mahika. May kasaysayan ang pagkakaroon ng ganoong kapangyarihan o kakayahan at hindi ko naramdaman kahit minsan na binibilog lang ang ulo ko. Kundi, pinagiisip ni Sir Egay ang kanyang mambabasa dahil sa bawa't bagay ay may ikinakabit na consequences ("mawawala ang unang makakakita sa pagbabalik mo") kaya't lalong nagiging palaisipan o kapana-panabik at kaabang-abang ang mga mangyayari pa sa ika-4 at sa ika-5 aklat.
Hindi rin madaling hulaan saan dadalhin ni Sir Egay yong istorya. Dahil kahit doon sa naunang dalawang libro, ginagawan ninya ng twist ang nakamulatan na nating kuwento ng mga aswang at maligno (halimbawa, ang manananggal ay masama o ang mga diwata ay by default, ay mabubuti at matulungin). Interesting din ang mga tauhan at pasundot-sundot pa rin si Sir Egay sa magsisingit ng mga hugot o kilig sa mga crushies at kahit ang nabubuong love triangle na nagsimula sa sinundang aklat.
Ang maliit na puna ko lang ang parang dumadami na nang dumadami ang mga tauhan at medyo nakakalito na. May mga typos rin at yong awkward na sentence constructions, halimbawa ay yong paulit-ulit na "nito" sa isang pangungusap sa halip na gumamit ng "kanyang" para mas malinaw ang tinutukoy. O dahil lang sa pagod ako sa midshift at pinilit lang matapos ang akda sa pagsasara ng MIBF 2017 ngayong araw na ito.
Overall, masarap pa ring basahin ang pangatlong aklat at maghihintay ako ng susunod pang dalawa. Proud din ako na may nangahas magsulat at mag-publish (kudos to Adarna/Anino) ng magandang serye na puwede nating sabihing kung nagagawa ni J. K. Rowling sa UK bakit hindi dito sa Pilipinas?
Me when I finished reading: Natatakot ako pero okey lang matakot. Natatakot ako pero okey lang matakot. Natatakot ako pero okey lang matakot.
Tapos nang kumalma na ako: ANO BA NAMAN YAN ANG DAMING NANGYAYARI SA GITNA PALANG NG LIBRO HINDI AKO MAKASUNOD HUHUHU ANG DAMING REVELATIONS ISA-ISA LANG PO HINDI PO KAYA NG PAG-IISIP NG ISANG TAO LAMANG NA KATULAD KO. YUNG HULING CHAPTER SOBRANG BILIS NG MGA PANGYAYARI HINDI KO NAMALAYAN TAPOS NA PALA!!
Joke lang, hindi pa pala ako kalmado doon. Ayan, totoo na to. Okay na ako (kahit hindi talaga).
Hindi na ako magbabanggit ng marami at baka maspoil ko pa kayo nang di sinasadya, pero ito ang ilang dapat niyong asahan: - May field trip po tayo sa Daigdig, Kalibutan at Mga Panahon. - May mga bagong kapangyarihan kakayahan na lumalabas at natutuklasan. - May mga bagong character na ipinakilala. Pero miss ko pa rin si Miro. - May mga potensyal na bagong pag-iibigan na nabubuo. Aabangan natin yan.
Marami akong tanong na nasagot na pero marami ulit akong bagong tanong. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magtanong sa author ng kahit isa lang, ito ang itatanong ko sa kanya:
Sir Edgar, kelan po ulit lalabas ang book 4?
PS: Hindi na ako basta-basta lalapit at ngingiti sa mga cute na batang nakikita ko kung saan-saan, baka Tiyanak lang pala iyon at bigla akong sakalin!
Eto na ung tingin ko na climax ng story. Kung intense ung book 2. Mas nalampasan pa ng book 3 ung grabeng turn of events.
Paalala lang sa mga magbabasa ng series na to: ihanda nio ang sarili nio sa bawat ending ng libro.
Kung si Janus ay lubog na lubog sa paglalaro ng tala, ako ay Lubog na lubog sa pagbabasa ng series na to.
Napaka-husay ng world building at ng character development. Speechless ako sa pagtahi ng Pinoy myths at ng modern day. Hindi ko naman masabing Percy J ang datingan. Mas darker? Basta mas kakaiba.
Kelan ba lalabas yung sususnod? Sana ngayong 2019 na please. Hindi na ako makapag-antay.
Nung una natatakot talaga akong tapusin to pero habang tumatagal na binabasa ko itong series na to at hihintuan ko saglit, bitin na bitin ako. Ang galing! Napakahusay ng pagkakagawa. Susubaybayan ko na to hanggang matapos ang series❤️
It all makes sense in the end! Gaya ng naunang dalawang libro, nahirapan din akong basahin ang librong ito. Alam kong mahirap magsulat ng Tagalog at mas lalong mahirap na magpaka-natural o modern pero talagang may mga parteng cringeworthy. Yun bang pilit nagpapaka-natural ng mga linya pero lalo silang nagtutunog awkward. Last 3 o 4 chapters na nung nagsimula akong maging interesado sa mga nangyayari. Sa totoo lang, pinilit ko na lang tapusin dahil gusto ko lang matapos. Hindi naman ako binigo ng ending maliban sa anti-climactic na mga linya ng Tiyanak sa dulo. Hindi ko mailagay ung intensity o impact ng mga pangyayari sa mga dialogue ng Tiyanak.
Isang malaking comment ko talaga sa buong serye so far ay parang nasayang ung premise na may kinalaman sa mundo ng mga aswang ang isang sikat na online game. Medyo nakaka disappoint ung parte na yon.
Sa kabuuan, maganda naman ung libro. Sadyang hindi lang sya para sakin (mas bata ang target audience). Aabangan ko pa rin ang mga susunod pang libro sa serye.
Parang masyadong matagal ang isang taong paghihintay para sa ikatlong libro ng Janus Silang series. Haha. Biro lang. Ganun kasi ako ka-excited na makakuha ng kopya at simulang basahin ito. Sobrang bitin yung 2nd book, at medyo gruesome pa yung ending (lakas maka-GoT haha), so yung term na "excited na akong magbasa" is an understatement.
Anyway, walang kaabog-abog na nagsimula ang ikatlong libro na para bang palihim kang may hinahanap sa paligid at walang dapat makarinig sayo. Ganun. Sabi ko nga habang binabasa ko ito na parang mauubusan ako ng hininga at ayokong kumurap at baka may makalusot na detalye na di ko mapansin. Ganun ka-engaging ang librong ito. Mas marami pang inintroduce na mga konsepto at back stories si Egay sa installment na ito na siya kong ikinatuwa. Dun sa pangalawang libro kasi may konting details na nakapagpabagal sa storya (sa aking opinyon lang), pero ang mga detalye dito sa pangatlong libro ay hinabi na para bang swak na swak sa storya mismo. May mga ibang libro kasi na pag nag-info dump, alam mong info overload at halatang sloppy ang exposition. Dito sa Si Janus Silang at ang Pitumpu't-Pitong Pusong, seamless ang pagkakapaliwanag sa mga konsepto, swabe ang world-building. Kaya di ko napigilang basahin na parang uhaw na uhaw ako sa tubig.
Sobrang saya ko rin na mas mahaba ang storya dito sa pangatlong libro. Although mga dalawang araw ko lang binasa (hahaha!), busog na busog ako sa kwento. Gaya ng sabi ng ibang nakabasa na na dumami rin ang mga tanong na di nasagot ng libro, para sa'kin nakatulong ang mga tanong na ito sa pananabik para sa susunod na libro. Ang galing talaga manghabi ni Egay ng eksena na hindi ka papayag na hindi mo makita lahat. Hahaha. Paborito kong eksena yung mga bonding moments ni Janus at ni Mang Juan, pati yung pagtalon-talon ni Janus. Nakaka-excite isipin na mapapanood ko din ito paglabas ng TV series.
Wala akong masabi kundi sana 2018 na para may 4th book na tayo. At sana mas makapal at mas mahaba ang storya. :)
At nabitin ako ron ah! Phew. Kung saan-saan tayo nakarating. Kung sino-sino ang ating nakilala. Ang dami nating nalaman. Ang daming nangyari. Nakakalito pero hala, sige, di ko mabitawan. Lagi akong nanghuhula kung ano ang susunod na mangyayari pero di ako tumutugma. Natatawa at medyo nakokornihan lang talaga ako sa ibang mga detalye gaya ng pagsabi ni Janus ng "Tala" sabay hawak sa kwintas nyang USB na para bang lumulunok ng bato at sumisigaw ng "Darna." O baka naman sadya ito? Pero galing nito. Kelangan ko nang basahin ang susunod.
I believe the story and the writing has gotten better from the first book. The first book was already really fantastic and the story just keeps getting better. I was also surprised to see some graphic art inside this third book. I really loved it.
I love the story-telling style of Edgar and so far this is the only Filipino series that I am currently reading.
I introduced the series to my parents and they started reading the book two days ago. My mom is a fast-reader and because of the current situation, she has a lot of time to read. I guess she finds the book really interesting as well.
Awesome book! I'd love to see this made into a movie!!!
Komplikado ang mundong kinatha ni Samar. Matagal ang dalawang taong paghihintay para maalala ang details na kailangan para matawid ang dalawang naunang libro dito sa pangatlo. Kaya sa umpisa, medyo hindi ko nage-gets ang context ng mga nangyayari; pero may clues naman sa kahit papaano. At may sarili pa ring kuwento ang book 3 na masusundan. May ilang elemento rin sa pagkukuwento na bago rito na wala sa book 1 and 2.
Book 1 pa lang, ang dami ko nang gustong palabasin na ni Samar: gaya ni Tala, isang epic battle, kilig moments nina Janus at Mica, atbp. Sa kinapal ng book 3, akala ko eh, sa wakas, mababasa ko na ang mga ito. Pero hindi. Ang effective ng pagkakabitin ni Samar dahil nakakainis. Hindi masasabing satisfying ang ending dahil wala pa namang ending.
Sa ngayon, kailangan ko ulit balikan ang umpisa ng Janus Silang series para mas lalo pang ma-appreciate ang kuwento.
Sa umpisa pa lang ng book 3, sa gitna, hanggang dulo; patawad, Janus, kung hindi kuwento mo ang inaabangan ko, kundi ang love story nina Renzo at Erin. Sir Egay, i-extend mo ang series hanggang book 6: Si Janus Silang at ang Pag-iibigang Renzo-Erin! Hahaha. O kaya gawan mo sila ng sariling kuwento. But of course, that's too much to ask. Pero 'yun talaga ang pinaka naging interesado ako sa libro. I really hope may satisfying ending para sa kanilang dalawa.
The end of the second book flung us headlong into the violent and insidious machinations of the Tiyanak and his minions, and I love how the first part of the third book showed how even our most stalwart heroes floundered in the wake of an unexpected attack.
The character development here is insane. I can't believe how much action the author was able to fit into 300 pages. Janus, Renzo, and Mira (along with Manong Isyo) are all developing into three-dimensional, fleshed-out characters with their own desires, purposes, and failings. I'm excited to see how these will all clash in the last two books.
The search for Tala looks like it is almost at its end as our heroes converge in Kalibutan, but the Tiyanak will not go down easily. That reveal at the end was so out of left-field, I almost chucked the book out of my window.
Mahusay ang pagkakahabi ni sir Egay sa kuwento. Patuloy na lumalago ang kalidad ng istorya. Kung ako ang tatanungin, mas nakahihigit itong pangatlo kumpara sa mga naunang dalawa. Maraming nabigyang-diin sa mga katanungang iniwan mula sa pangalawang aklat. At nasundan ulit ng mga panibago. Nakagugulat ang mga pangyayari na para bang hindi mo mahuhulaan kung ano ang mangyayari sa susunod. Na may mas matindi pa pala. Mas malala. Mas intense. Nakamamangha dahil napakaraming eksena sa libro ang hindi ko inaaasahan at namalayang posible pala ang mga iyon. Masyado akong nadala sa kung paano magsulat si sir Egay. Hindi basta-basta. Hindi ka mauumay. Sakto lang ang lalim ng mga piniling salita na hindi nakaka-cringe kumbaga. May matututuhan ka talaga.
This entire review has been hidden because of spoilers.
Hindi ko alam kung slow lang ba ako pero hindi ko talaga magets yung ibang paliwanag sa librong 'to. Pero aside from that, I still love it! Hindi lang katulad ng pagmamahal ko sa pangalawang libro pero ang bongga ng mga bagong nadagdag na topics, back stories, at mga characters. Gustong-gusto ko ang character development ni Janus dito at sobrang nag-enjoy ako sa pagdedecode ng kinalalagyan ni Tala. Pahinga ko muna utak ko bago magsimula sa pang-apat na libro. Kailangang maging handa ako kasi dumarating talaga ako sa point na, "takte hindi ko magets!" Kahit tagalog na 'tong binabasa ko ha.
Pero all in all, sobrang excited ako para sa series na 'to!
Hindi ako binibigo ng bawat libro sa Series ng Janus Silang, noong natapos ko nga itong Pitumpu't Pitong Pusong ganoon na ganoon din ang pakiramdam ko noong natapos ko ang naunang dalawang libro. Napamura na naman ako. 'Yung murang may lamang lungkot, pagkabigla at panghihinayang.
Lungkot dahil bukod sa talagang nakakalungkot ang mga nangyayari sa buhay ni Janus Silang at sa mga kaibigan, nalulungkot din ako na maghihintay na naman ako ng ilang taon para mabasa ang susunod na libro (pero ayos lang naman maghintay, palagi kong sinasabing ayos lang maghintay, sabi nga sa kanta ni Bon Jovi na Santa Fe, good things come to those who wait. Ansabe?)
Nabigla talaga ako, sabi ko nung natapos ko na 'yung libro (pero sa isip lang) putsa naman ang dami na namang tanong ang naiwan. Ang daming bagong ipinakita bago matapos ang libro. Ang daming dapat asahan sa magiging kasunod.
At siyempre, malamang na katulad din ng maraming nakatapos na, baka natural na lang na makaramdam ng panghihinayang sa librong tinapos nang mabilisan.
Pero kung gusto mo naman mauna ang pagkabigla, basahin mo mula sa huli tapos sigurado malulungkot ka na niyan dahil alam mo na yung ending, o 'di ba?
Sulit na sulit 'yung paghihintay ng 2 years para sa ikatlong libro. Hindi ako nanghinayang na bumili agad ako ng kopya dahil 2-3 weeks pa ata bago lumabas sa mga bookstore! Haha! Mainggit kayo at sana sa mga hindi pa nakakabasa ng series, mabasa niyo rin sana ang Janus Silang.
4 stars lang ang ibinigay ko dahil pakiramdam ko nalunod ako sa mga pangalan at dami ng karakter sa libro. Ang ganda-ganda rin nung part na pinapaliwanag ni Mang Juan 'yung tungkol sa kapangyarihan nila bilang pusong! Basta ang dami-daming magandang parte ng libro at 'yung tiyanak, masama siya. hak hak hak! Mamatay na sana siya sa book 4. Tsarot! hahahaha!
WARNING: SPOILERS Nasa jeep ako nung natapos ko 'to. At masasabi kong ang lupet pa rin talaga ng series na 'to. Sobrang daming nangyari (in a good way), kaya naman nabusog ako. Ka-level nito ang ganda ng Book 2, para kasi sa akin ay pinaka maganda pa rin ang Book 1 dahil sa misteryo nito though hindi na nga ulit magagawa na parang ganoon ang storya dahil napasok na natin ang mundo ni Janus simula nung Book 2. Oks pa rin naman, oks na oks. Ang daming plot twist ng libro kaya naastigan ako, at hindi pinilit 'yung mga twist. Ang pinaka gusto ko sa libro na ito ay ang pagiging mas matalino nito compared sa unang dalawang libro. 'Yung sa USB chapter, tae tumayo 'yung balahibo ko kung paano nagkaroon ng koneksyon lahat. "Kaya palaaaaaa", puro gan'yan 'yung nasasabi ko sa isip ko dahil sa mga sunod-sunod na realisasyon. Favorite ko rin 'yung mga moments ni Janus at nung tatay niya at kung paano siya turuan nito tungkol sa pagiging Pusong nito. Ang daming bagong characters at terminologies kaya medyo na-information overload ako, okay lang naman para sa akin, medyo hindi ko lang talaga napansin 'yung ibang bagong characters (like mga kasama ni Babo Alimah, mga BAR) kasi ang dami talaga nila. Ine-expect ko na may mamamatay, buti wala! 'Yung sa Kalibutan parts naman, naastigan ako sa mga hayop, ewan ko ba, na-visualize ko kasi eh haha, parang ang astig. As usual, marami na namang katanungan pagkatapos kong mabasa ang libro, kaya naman aabangan ko talaga 'yung Book 4 (at syempre 'yung TV series wohooooo). 'Yun lang. Nakalimutan ko na 'yung ibang thoughts ko tungkol sa libro haha (baka i-edit ko 'tong review), basta ang astig pa rin!
Janus continues his adventures on the third installment of what would be a five-part series. Here, Jan-jan continues to discover the extent of his abilities not only as a púsong, but as THE púsong destined to lead the way to Tála. JS3 has all the aspects of why we love this series -- YA narration, cute love stories, the peppering of Samar-esque hugot quotes, and, my favorite, the adaptation of local folklore and mythology. Egay Samar expands Janus' Santinakpan further by adeptly juggling three storylines, ensuring pacing is not going to be an issue, and switching between them just in time to keep the reader's excitement. I just hope the Tiyanak would stop trying to be funny; it is hard to be scared of something that acts like a parent trying to relate to their teenage kids with outdated references. That said, I have never been as scared of my own anino as I was after reading this. Next, please!
Dalawang beses akong napaluha ng pangatlong librong ito ni Mr. Samar. - Una, nung huling beses na nasa bukid si Mang Juan at Janus. - Pangalawa, nung unang pagkakataon na nagkita si Janus at si Paraluman. (*oops, ayoko mangspoil, hahaha*)
Alam kong nakalista ito bilang pang-young adult na akda, pero ang angas talaga kaya mainam ring mabasa ng mas nakakatanda.
Ang galing ng pagkakatagni-tagni ng nakaraan sa makabagong panahon, sana talaga maraming tumangkilik pa nito. Grabe sa detalye. Naiimagine ko yung mga cyborg na may ulong tigre na ginagamit bilang transportation means ng mga mistulang outcast na diwata doon sa Alimuom. Akalain mo yun, may mga ganun pala. (*ang saya pag-isipan*)
Pramis, kung may laro talagang TALA, maglalaro talaga ako.
(1) Hindi talaga pambata ang Janus Silang kasi kahit ako nakakatakot sa Tiyanak na yan. Grabe ang kilabot ko everytime na lalabas siya sa eksena
(2) Putangina plot twits yan, naiiyak akong ewan. Bakit kasi siya 😭😭😭 eh mahal ko na yung tao (or should I say character hehe)
(3) Mahirap basahin yung series as a whole or it's just a me problem. May mga katanungan ako at may mga iilang eksena na di ko maintindihan bakit ganto, bakit kailan to, anong nangyari dito. Pero sa kabila noon, di naman nito naapektuhan ang pagkakaintindi ko sa kabuoang takbo ng kwento.
Kabitin naman. Magaling talaga si Sir Egay sa paglalaro ng panahon. Para siyang anak ng Diyos ng Oras, kung manipulahin ang kamay ng orasan, parang laruan lang. Minamani lang e. Swabe. Binabasa pa ng ate ko 'yung Book 4. Inis naman.
Grabe 'yung pakiramdam. Sa ibang book series na nabasa ko, may mga times na nakakaboring na. Parang pilit 'yung mga characters at mga ganap na dinadagdag para lang madagdagan ang series. Pero ang Janus Silang, habang nadadagdagan ang series, mas lalong nagiging intense. Super love ko ang character ni Janus. Ang ganda ng character development. Bidang mamahalin mo. Hindi lang sya pero halos lahat ng characters. Nakakaproud. Saludo kay Sir Egay.
This entire review has been hidden because of spoilers.
What I love about this book is the in-depth discussion of the different parts of the "Janus Silang Multiverse". The explanation of the magic system and abilities of the different types of characters was also done really well. The revelation on the last few pages of the book blew my mind and it made me crave for the 4th book in the series immediately.
'Wag na 'wag mong babasahin ang ikatlong libro kung hindi ka pa handa.
Hinga muna ng malalim. Pikit. Pakiramdaman and paligid at siguraduhing wala ang Tiyanak at ang kanyang mga kampon. Handa ka na? Tara.
Nagsimula ang Si Janus Silang at ang Pitumpu't Pitong Pusong sa walang kasiguraduhan. Biglaan ang pagkawala ni Janus kasabay ng paglitaw ng kakayahan niya bilang pusong, nawawala rin si Mira dahil sa biglang pagtawid niya sa Kalibutan kasabay ng nangyari kay Miro, at naghahanda ang mga natitirang bagani at pusong sa nakaambang labanan sa Kalibutan kung saan naroon ang mga Mambabarang sa pangunguna ni Bino. Walang kasiguraduhan ang ikatlong libro kaya nakakatakot pero sabi nga ni Mica, natatakot ako pero okay lang matakot.
Ang pinakanagustuhan ko rito sa ikatlong libro ay punong-puno ito ng impormasyon. Kasabay ng mga kakayahang pusong ni Janus na patuloy na hinahasa ni Mang Juan sa pagbalik ng ating bida sa nagdaan, naglitawan rin ang katotohanan sa koneksiyon ni Mica kay Janus at sa Paraluman, ang USB ni Janus, ang impormasyon tungkol kay Tala at ang katotohanan sa angkan ni Janus. Sumasabog ang librong ito sa impormasyon at talagang nakakakumbinsi kung paanong nabuo ni Sir Edgar ang Kalibutan, ang Daigdig, at ang Nagdaan.
Nakakamangha ang mga kakayahang pusong ni Janus. Parang lalong nagkakaroon ng pag-asa na kaya at kakayanin nila ng pwersa ng tiyanak. Gusto ko nang maging pusong kahit nung una ay parang mas gusto ko ang maging bagani. Gusto kong makatalon sa nagdaan at balikan ang mga alaala ng aking pagkabata. Gusto ko nang makita ang aking mangindusa para malaman ko na kung anong uri ng hayop ang kaya kong maging. Gusto kong sumama sa laksa ng mga bagani at tungan Silang halughugin ang Kalibutan at supilin ang pwersa ni Bino. Ang dami kong gusto kaya gusto ko na ring simulan ang ikaapat na libro.
Pero marami ring pasabog sa librong ito. Si Paraluman at ang kasaysayan ng mga pusong. Ang mga tahumaling. Si Renzo at ang katotohanan sa katauhan niya. Mapapamura ka na lang dahil hindi mo aasahan ang ganito ng pagbabago. Parang akala mo ay okay na si Renzo hanggang sa makarating ka sa pagbubunyag sa dulo.
Pero ayos din naman yung ganitong parang nakalalamang ang kasamaan dahil ganoon naman talaga, nagpapatalo ang mga bida sa umpisa pero ang hirap makampante, ang hirap bumitaw; dapat tutok lang tayo kay Janus Silang. Sir Edgar, ilabas na ang huling libro para magkaalaman na. Haha
Dahil Taglish ang librong ito, Taglish din dapat ang review...
Ibang libro sana ang hinahanap ko nung araw na iyon *ahem ~Magnus Chase~ ahem*. Pero hindi pa raw dumarating ang delivery sa store nila, sabi ng cashier, so ayun, nagliwaliw na lang ako sa mga shelves kasama ang kaibigan ko. Biglang sabi niya, "dito ako naglalagi, Kuya, sa shelves na may comic books". Pagdaan na pagdaan namin sa sumunod na shelf, biglang may librong kulay blue ang spine na tumawag ng atensiyon ko. I looked over... and fanboyed like crazy.
At ngayong natapos ko na, ni hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Para akong sumakay sa rollercoaster na biglang naging ferris wheel na bigla na namang naging Anchors Aweigh! (o Sea Dragon, kung taga-Cagayan de Oro ka man), tapos biglang tumigil mid-swing. Call me OA, pero hindi ako nagsisinungaling when it comes to books.
Ang pinakanagdala ng kwento? Siguro iyong bahaging [section redacted due to spoilers]. Exciting din yung part na nag[section redacted due to spoilers]. Pero yung ending! GRABE! Di ko akalaing anak pala ni [section redacted due to spoilers]!
Sa kabuuan? Excited na ako para sa susunod na libro! Here's to hoping the next one surpasses this book.
PS. Egay, you da man... or bagani... or pusong... or kung ano ka man. LOL
Sinimulan ko ang librong ito nung nakaraang taon pero ipinagpaliban ko muna dahil naging busy ako. Siguro mayroong mga tatlong kabanata na lang na natira. Nung sinimulan ko siyang basahin ulit ngayon, medyo nangapa ako dahil nakalimutan ko na yung ibang detalye ng libro. Habang binabasa ko siya ay bumabalik naman sa akin yung mga detalye.
Ang masasabi ko lang ay: ibang klase talaga ang seryeng ito. Yung mga biglang bagsak ng pasabog (na hindi ko na babanggitin dito dahil spoiler haha!), yung cliffhanger.
Siguro ang naging problema ko lang siguro ay yung paglipat-lipat ng POV. Dahil dumadarami na yung mga karakter, dumadami na rin yung POV at minsan ay nagugulat na lang ako kasi biglang si gantong karakter na pala yung nagsasalaysay.
Ngayon, ang tanong na lang ay kung babasahin ko na ba ang sumunod na libro o hintayin ko muna yung panahon na malapit nang ilabas ang huling libro sa serye.
Sulit ang paghihintay ko para sa ikatlong aklat na ito ng Janus Silang. Napakaraming pasabog, at sa takbo ng kuwento, siguradong hindi maipagpapaliban ang pagbasa nito. Kitang kita ang husay ni Sir Egay sa pagpapalago ng kuwento at pagdudugtong-dugtong ng kani-kaniyang kuwento ng bawat tauhan. Hindi ako binigo ng ikatlong aklat na ito!
Nakakabilib ang pagbuo sa mundo nito na nakabase sa ating mga alamat. Lagi kong naaalala ang Percy Jackson series habang binabasa ko ito dahil sa pagkakahalo na rin ng modern setting sa kwento. Medyo nahirapan lang akong makasunod sa mga unang kabanata pero pag-abot sa gitna, doon ko na di halos mabitawan ang libro. Ang galing pati palagi ng mga cliffhangers nito. Medyo cringey lang para sa akin yung love story pero iniisip ko na lang na for young adults ang target ng book at ang main characters mismo ay mga bata pa. Mas naging interesado ako sa ating mga kwento at napatunayan na napakayaman nang ating kultura at literatura. Siguradong aabangan ko ang huling dalawang libro.