Pinoy Reads Pinoy Books discussion

It's a Mens World
This topic is about It's a Mens World
149 views
Sabayang Pagbabasa > Huling Kuwarter ng 2012: IT'S A MENS WORLD ni Bebang Siy (Moderator: K.D.)

Comments Showing 1-50 of 374 (374 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6 7 8

message 1: by K.D., Founder (last edited Oct 07, 2012 03:20AM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Magbasa na tayo bilang isang pangkat.

Bilang pagpupugay natin sa isa sa ating mga moderators, si Beverly na mas kilala bilang si Bebang Siy, napagkasunduan namin na ang kanyang unang aklat ang babasahin natin bilang pangkat na nagpapahalaga sa Panitikang Pilipino.

Sa mga susunod na buwan na tayo (Enero 2013), pipili bilang isang grupo. Magkakaroon ng mga nominasyon tapos botohan.

Testing lang muna ito. Sana'y maging mainit ang inyong suporta.

Nabasa ko na ang librong ito. Maganda ito at naibigan ko. Taglish pero masaya. May kiliti (nakakatawa) at may puso (nakakaiyak). Pusong pinoy.

Para maging malaya ang talakayan, ako ang magiging moderator. Nguni't kung mayroong mga katanungan, sasagutin ni Bebang sa "First Date."


message 2: by K.D., Founder (last edited Oct 05, 2012 06:58PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Plano sa Sabayang Pagbabasa:

Oktubre
14-15 Tungkol kay Bebang
16-17 It's a Mens World
18-19 Nakaw na Sandali
20-21 Asintada
22-23 Kwits
24-25 Pinyapol
26-27 Ang Lugaw, Bow
28-29 Bayad Utang
30-31 Shopping

Nobyembre
1-2 Pahinga
3-4 Hiwa
5-6 So Ayaw Mo sa Palayaw Mo?
7-8 Super Inggo
9-10 Ang Aking Uncle Boy
11-12 Sibuyas
13-14 Sa Ganitong Paraan Daw Namatay si Kuya Dims
15-16 Nakapagtatakang Nagtataka Pa
17-18 Milk Shakes and Daddies
19-20 First Date
21-22 Ang Piso
23-24 BFFx2
25-26 Emails
27-30 Talakayan ng Buong Libro

Disyembre

First Date Tour with Bebang Siy

Sa ika-1 ng Disyembre, kagaya nang nabanggit na ni Beverly sa "Suhestiyon" thread, pupuntahan natin ang mga lugar na nabanggit sa First Date.

Magkakaroon din tayo ng informal book discussion habang nagme-meryenda (KKB) o naglalakad. Ang mga detalye, abangan natin kay Beverly.

Sana ay bumili na kayo ng libro. Mura lang yan pero maganda!


message 3: by Rise (last edited Oct 05, 2012 09:53PM) (new) - rated it 4 stars

Rise Aba may unang seleksyon agad ang grupo, hanep.
Hahanap ako ng kopya ng libro ni Beverly, bagamat di ko napapansin na may kopya sa pinakamalapit na bookstore.
Perfect timing dahil nasa wishlist ko ito simula nung nalaman kong nagwagi ito sa Readercon.


Louize (thepagewalker) Yay! Excited na...


Ayban Gabriyel | 207 comments Ayus to!


message 6: by K.D., Founder (last edited Oct 06, 2012 05:22AM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ryan, matagal na naming iniisip ito ni Beverly. Mukhang wala namang tumututol. Bago mag-Enero na lang tayo humingi ng nominasyon at magsagawa ng botohan. Sakto rin sa opinyon nina Ayban na isang libro lang bawa't kuwarter lalo na't nagsisimula pa lang tayo.

Louize at Ayban, salamat sa positibong reaksyon.


Krizia Anna (krizia_lazaro) | 60 comments Saan makakabili nito?


message 8: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
NBS. Kanina lang may nakita akong 3 copies sa NBS Shangrila.


Rise K.D., natutuwa nga ako at aktibo agad ang ating grupo kahit bagong tatag pa lang ito. At swak ang napiling libro sa RnR na pinaplano sa Disyembre. At resident writer pa ang moderator.


Jayvie (necrofear24) | 344 comments Sugod na ko sa bookstore :) hindi ako papahuli :) heheh


message 11: by K.D., Founder (last edited Oct 06, 2012 05:46PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jhive, maganda ang libro. May nagsasabing si Bebang Siy ang babaeng Bob Ong. Hindi ko alam kung natutuwa dyan si Beverly o hindi (depende kung hanga ba sya kay Bob Ong o hindi). Itatanong natin yan sa kanya.

Pero para sa akin, iba ang istilo ni Bebang. Mas matindi ang mga pasabog ni Bebang kaysa kay Bob Ong. Opkors, walang mens si Bob Ong so tanging si Bebang lang ang makakagawa ng ganyang patawa.


message 12: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise K.D., hindi natin alam. Baka si Bebang si Bob Ong. Tingnan mo ang pagkakahawig ng pangalan. Tapos giniit nya na isang tao lang talaga si BO. (hehe, joke lang)


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments so Beb Ang pala ang tawag sa kanya hehe!


message 14: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Po, wala kang kupas.


message 15: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments HAHAHAHAHHAHAHA josko lord hahahahaa tumatumbling na ako sa kakatawa

masaya ako kapag nasasabi ng mga tao na parang bob ong ang estilo ko. pero sa totoo lang, nahihiya ako kay bob ong hahahahaha totoo to. nahihiya ako sa kanya dahil napakalayo na ng narating ng tao na yan. at historical siya.

alam nyo ba na siya lang ang kauna unahang manunulat na nakatalo sa sales ng aklat ni rizal? na required reading pa sa school sa lagay na yan?

at isa pang trivia. nang ipabasa ko ang mansucript ko sa isang kapwa manunulat, ang sabi niya, parang bob ong ang trabaho mo. bakit hindi mo ibenta na parang babaeng bob ong? so dun nag-umpisa.

nagkabiruan kami na ang gamitin kong pen name ay beb ang. ok lang sa akin. kasi nakakatawa siya. para siyang joke lalong lalo na sa mga nakakakilala sa akin. kasi dati ang ginagamit kong pen name, mga 10 years ago at di ko pa kilala si bob ong ay babe ang. sabi ko babe ang para halatang hndi ako hhahaha internal joke ba?

so ayun. nang tanggapin ng anvil, beb ang ang magiging pen name ko. ok din sa kanila. masaya kami. may mga picture pa ako nagse celebrate kasama ang pamilya ko. at nakalagay sa cake, congrats, beb ang!

after a few months, may nagsubmit sa anvil. beb ang ang real name niya HAHAHAHHAHAHA so sabi ng publisher, dahil hindi naman ako totoong beb ang, i have to give way. di ko na raw pwedeng gamiitin ang name na beb ang.

so bebang siy na lang ang ginamit ko. yun naman talaga ang nick name ko.

di nakatapos ng manuscript ang tunay na beb ang. pero di na namin ginamit ang name na yun.

at maganda rin. kasi ngayon ko lang naisip, baka maka offend pa kami ng mga fans ni bob ong kung yun nga ang gamitin namin.


message 16: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments KD thank you sa comment tungkol sa libro.

at sa mga bibili pa lang ng aklat, DAGHANG SALAMAT po!


message 17: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
May ganoon palang istorya. Nakakatuwa nga.

Paano kaya nahulaan ni Po? Insider na rin yata itong si Po.


message 18: by W (new) - rated it 4 stars

W | 24 comments HAHAHA. Sayang! Sana beb ang na lang, miss bebang. Baka isipin nila may relasyon kayo ni bob ong.


Maria Ella (mariaellabetos) | 737 comments I WANNA BUY WAIT LANG! :D sali ako sa tour rin. baka maging paraan ito para makabonding si Bebang at ang tunay na Beb Ang.

APIR! :D


message 20: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ella, magandang desisyon. Feeling ko, knowing you, hindi ka magsisisi.


Louize (thepagewalker) Nakopya ko na ang Plano sa Sabayang Pagbabasa.
Pero, pwede bang i-browse ko na ang libro, hehehe.
Daya ko no? :)


message 22: by K.D., Founder (last edited Oct 07, 2012 09:46PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Puwede, Louize.

Madali lang basahin. Pero uunti-untiin natin para mahirapan kaka-lurk si Bebang. Dalawang araw kada tsapter. Bawa't isang araw, may buod tayo ng tsapter at magtatanong. Tapos usap sa susunod na araw tungkol sa mga tanong.

(10/8) : Nag-send ako ng "Broadcast to all Members" na nagpapaala-ala ng magsisimula na tayong magbasa ng "It's a Mens World" sa Lunes, ika-15 ng Oktubre, 2012.


Ingrid (gridni) | 157 comments Coool
:>


message 24: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ingrid, please join us. This will be a very easy read but surely be fun. Especially because we will do a tour with the author.


kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Haha. Sali ako dito! Naku, parang gusto ko yata ang ideya na yan.


message 26: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Welcome, Kwesi. What took you so long?!


message 27: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Schooling daw. Exams week ngayon. Sumali ka. Ibig sabihin konti lang ang finals mo? Exempted ka sa marami?


Ingrid (gridni) | 157 comments @K.D.: Nakabili po ako ng copy nung MIBF, sasabay naman akong magbasa ng book. Medyo mabagal naman yung pace, ewan ko nalang kung mahuli pa ako. Haha.

Sa First Date, sana makasama din
:)


kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Ryan, ang daming kinakailangang ipasa tuwing finals. Nauso na kasi ang final product sa unibersidad namin. Parang joke pero dagdag points na rin yun. Anyway, excited na ulit akong makasama ka. Nagmeet na ba tayo before sa Flippers? Haha.

Kuya D, hinihiling ko lang sana na merong exemption. Eh, wala talaga. Di uso sa school namin yun. Haha. Naging busy lang kasi yung ibang subjects ko kailangan ng final product at yung iba last week pang nagsimulang magexam.


kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments to Bebang,

Haha. Nainis ako dun sa kopya ko ng aklat mo kasi di pirmado ng asawa mo at ikaw mismo. Sa sobrang excited ko nung MIBF, first day pa lang nabili ko na ang book. Pagbalik ko, nainis ako kasi may mga pirma na! Haha. Anyway, excited na akong makita ka at gusto ko yung malaking milkshake. Haha.


message 31: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Ingrid, salamat.

Kwesi, aha! alam mo na ang milkshakes. Ganda di ba? May sound effects pa yan. Huh? Ang BF ni Bebang, pumipirma rin sa libro? Kakaiba. Di bale, papapirmahan natin ang books natin kay Bebang at ire-request natin na may drowing rin (naala-ala ko lang si Manix).


message 32: by Rise (new) - rated it 4 stars

Rise Kwesi, great to see you here too. Di pa tayo nagkita pero malamang isa sa mga araw na ito.


kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Kuya D, yun pa lang ang nabasa ko. Sa sobra ko ring excited pumili lang ako ng isang entry dun sa book at binasa nung MIBF. Gusto ko yung relevance nung milkshake sa dulo ng kwento. Haha.

Ryan, sana makapunta ka na ng first date. Haha.


message 34: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kwesi, isa yan sa mga entries na nagustuhan ko. Ako na isang tatay. Ewan ko, sa "Lumayo Ka Nga Sa Akin" natawa ako. Pero yong mga pampaiyak (o pangkurot ng puso) dito ni Bebang Siy ang mas magustuhan ko kaysa sa mga pampatawa niya.


PATRICK (patrickdanque) | 15 comments Magkano kaya ito nang mapaipunan?


message 36: by kwesi 章英狮 (last edited Oct 10, 2012 07:13AM) (new) - added it

kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments 195 pesos po yung bagong edisyon. :)


message 37: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Patrick, magsisimula na tayo sa Lunes. Sana, makaipon ka loob ng 4 na araw.


Sheila (archiveangel) | 18 comments Nahirapan akong maghanap ng book ni Ms. Beverly kahapon. Ano kaya ang mga librong kasama niya sa shelf sa PH Publication section? Sana makahanap ako mamaya. Kung hindi, magtatanong na lang ako sa clerk.


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Naku!

Nagkaka-mens na ata ako mahanap lang yong unang edisyon ni Ms Bebang. Pagpasensiyahan nyo na ang aking kawirduhan, mahilig lang talaga ako sa mga librong sariwa at unang nailathala. Kumabaga, nais ko ang unang tikim sa akdang ito ni Ms Siy. :D


PATRICK (patrickdanque) | 15 comments Thanks. May book allowance ako na 1k per month from my aunt kaya ayun... makakabili ako. SEMBREAK PA!


message 41: by K.D., Founder (last edited Oct 10, 2012 11:10PM) (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Diane, tama ka. Di magandang maki-ride si Bebang sa popularity ni Bob Ong. Malay mo, mas malagpasan pa ni Bebang ang kasikatan ngayon ni Bob Ong. Wag lang umabot sa menopause, siguradong maraming masusulat na tungkol sa "mens" si Bebang.

Shiela, kahapon lang may nakita kaming 2nd edition copies sa NBS EDSA Shangrila. 3 copies. Ang usual na kasama nito ay mga akda ng mga Edgardo Reyes, Liwayway Arceo and the likes. Iba yong kinalalagyan ng Bob Ong, Eros Atalia, Chinggay Labrador, etc. Hindi silang magsisinglaki.

Jzhunagev, May 3 days ka pa para bumili.

Patrick, dali, bumili ka na bago maubos ang P1k.

Bebang, mantakin mo, 2nd edition na ang book mo! Congrats!


Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Gusto ko talaga makabili ng First Edition ng libro. Bb. Bebang, bentahan niyo naman po ako. :)


message 43: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Diane, ang susunod daw niyang libro ay may pamagat na It's Raining Mens. Level up!

May pagkakapareho rin kami ni Patrick. Ang nanay ko naman ang nage-empake ng mga Amazon-ordered books ko from the US. Nilalagay nya sa balikbayan box. Wagas talaga ang pagmamahal ng mga ina sa luho ng kanilang mga anak, di ba, Paolo? Di nila tayo matitiis.


kwesi 章英狮 (kwesifriends) | 94 comments Haha. Nakakainis naman yung may mga allowance sa books. Sana ako rin, ang problema kasi wala naman sila sa Manila. Sa probinsya ko na nga lang yan gagawin.


Louize (thepagewalker) jzhunagev wrote: "Gusto ko talaga makabili ng First Edition ng libro. Bb. Bebang, bentahan niyo naman po ako. :)"

Naku, kumana na naman ang 1st edition fetish mo.
Good luck!


Tuklas Pahina (TP) | 1029 comments May nakita ako sa Greenhills 1st edition mura 180 lang at duon ako bumili hehehe!

(view spoiler)


message 47: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Kwesi, naisip ko lang. May mga aklat ba sa Mindanao na nasusulat sa dialektong lokal kung taga-saan ang manunulat? Yong mga aklat na hindi nakakarating dito sa Maynila? Napasyal din ako sa Davao noong Disyembre pero parang wala akong nakitang mga ganoong bookstores. Baka kako sa probinsiya? Parang gusto ko kasing i-expand ang reading scope ng grupong ito para i-support yong Definition #2. Balak kong magbasa ng mga aklat na dalawa ang lengguahe. Parang "Urbana at Feliza" lang. Sa right side ang lengguaheng naiintindihan ko (English o Filipino) at sa left side ay ang katutubong lengguahe.

Louize, kaligayahan ni Jzhun yan.

Po, salamat naman at may kopya ka na. Maging aktibo ka sa diskusyon na magsisimula sa Lunes ha?


message 48: by Apokripos (last edited Oct 11, 2012 06:17PM) (new) - rated it 4 stars

Apokripos (apokalypse) | 1424 comments Po wrote: "May nakita ako sa Greenhills 1st edition mura 180 lang at duon ako bumili hehehe!"

PO, ibili mo ko! Balak ko kasing basahin ang libro bago matapos ang buwan ng Oktobre.

Tas, kapag nagkita tayo babayaran ko na lang. May libre ka pang Chado! Haha! :D


message 49: by K.D., Founder (new) - rated it 3 stars

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Rocksalt! Rocksalt! Rocksalt!


PATRICK (patrickdanque) | 15 comments Nakabili na ko! :) Sold out siya sa NBS ng Trinoma tska SM North pero madami sa Powerbooks. Naeexcite na ko sa totoo lang. Na-appreciate ko na ang Philippine Lit.


« previous 1 3 4 5 6 7 8
back to top