The Filipino Group discussion

65 views
Promotions > Book Launch: Sa Kasunod ng 909 ni Edgar Calabia Samar

Comments Showing 1-32 of 32 (32 new)    post a comment »
dateUp arrow    newest »

message 1: by DC (last edited Jun 26, 2012 09:21PM) (new)

DC (disguisedcyclone) | 437 comments Hello po sa lahat! I got the following message from Edgar Calabia Samar (manunulat ng librong Walong Diwata ng Pagkahulog - salamat, Jzhun!), and thought it wouldn't hurt to plug it :)

Abangan n'yo rin po sana ang "Sa Kasunod ng 909." Kung may panahon po kayo, ilo-launch ang bagong nobela sa July 17, 4:30-6:00 sa Escaler Hall sa Ateneo at 7:00-9:00pm sa Conspiracy Bar sa Visayas Ave nang araw ding iyon. Salamat po ulit!

http://liyow.tumblr.com/post/22502117...


message 2: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 3321 comments Si Edgar Samar ang may akda ng Walong Diwata ng Pagkahulog. :)


message 3: by K.D. (last edited Jun 26, 2012 06:28PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6065 comments I should have considered inviting Calabia on the 28th. Kaso parang ilan pa lang tayong nakakabasa ng "Diwata" Based sa GR: Ayban/DC/Kristel/ako at lahat tayo ay 4 stars ang ibinigay. Magaling sya!!! :)

Para tuloy gusto kong pumunta. Kaso parang wala akong tiyaga kasi ang tanda ko na para sa ganyan-ganyan. Ganun siguro pag married na at father na. Priority ang family pag weekends.


message 4: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 3321 comments I just approved Mr Samar's request to join the group. Maybe we can invite him on some other time.
Kumbaga, book discussion but with the presence of the author para maintidihan natin nang lalo yong libro, bukod pa sa mensahe/interpretasyon natin sa kanyang akda.


message 5: by Angus (new)

Angus (angusmiranda) | 4337 comments Parang he's more into poetry? Pero tama, si Kristel naikuwento rin niya iyang Walong Diwata, maganda raw. I trust her judgment on books naman.


message 6: by K.D. (last edited Jun 26, 2012 06:53PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6065 comments Madaling maintindihan ang libro. Rumbled lang nga ang presentation. Parang jigsaw puzzle na ikaw ang magdudugtong-dugtong. I trust everybody's taste: Ayban, DC at needless to say, Kristel.

Calabia is like our local Murakami. I think he does not mind having this title kasi binanggit rin nya si Murakami (nagbabasa rin sya) sa libro nyang ito.

Basahin nyo ang libro so it will have a better chance to be included in the 2013 version of our TFG100 Favorite Books. Otherwise, mahirap magkaroon ng exception sa F2F rules only for Calabia.


message 7: by Charles (new)

Charles | 156 comments Nagsusulat din siya ng nobela, hindi lang poetry :) (publisher din siya)


message 8: by Edgar Calabia (new)

Edgar Calabia Samar (ecsamar) | 3 comments Maraming salamat po ulit sa lahat ng nagbasa ng nauna kong nobela at sana makapunta po 'yung iba sa launch ng ikalawa kong nobela. Pakilala lang po kayo sa akin kapag nasa venue na. O kung hindi talaga kaya, lalabas naman po sa bookstores ang nobela. Salamat ulit sa lahat, at muli, nakatutuwa na meron palang aktibong samahang ganito online. :-)


message 9: by Apokripos (new)

Apokripos (apokalypse) | 3321 comments Walang anuman Ginoong Samar! :)


message 10: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6065 comments Edgar, babasahin ko na lang yong libro mo. Pramis :)


message 11: by Ranee (new)

Ranee | 1902 comments KD, mailap ang librong ito sa SM north walang kopya sa NBS at Fully booked. susubukan kong hanapin ito sa Gateway naman bukas. Yung kay Mina ang nabili ko, at may lalakeng masama ang tingin sa akin sa counter nung inilapag ko yung libro, novel kasi ni David Baldacci ang binili nya. hmph.


message 12: by Ranee (new)

Ranee | 1902 comments Hi Edgar! paborito ko si Murakami kaya naintriga ako sa libro mo. Babasahin ko ito.


message 13: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6065 comments Sana sinabi mo doon sa guy: "Pake mo, go to hell!!! Asteeg! Hwooh! RakenRol!" Wala lang. Language ni Manix.

Tama, fan din ni Murakami si Edgar. Alam ko sa NBS meron nito. Mamaya pag nakalabas ako sa Podium, I'll check kung meron tapos let's see kung paano makakarating sa yo.


message 14: by Maryse (new)

Maryse (belle_maryse) | 151 comments Hehe, G. Samar was my prof in college.


message 15: by Ranee (new)

Ranee | 1902 comments K.D. wrote: "Sana sinabi mo doon sa guy: "Pake mo, go to hell!!! Asteeg! Hwooh! RakenRol!" Wala lang. Language ni Manix.

Tama, fan din ni Murakami si Edgar. Alam ko sa NBS meron nito. Mamaya pag nakalabas ako..."


di bale, maganda naman ang book ni Mina. Sa susunod, hahampasin ko sya ng surgery books ko, tingnan ko lang kung makabangon pa sya sa bigat ng libro ko. Aral mode na ako next month eh.

di ako nakapanhik sa NBS gateway kanina. bookhunting ulit sa weekend. Wala rin kasing Remains sa SM North.


message 16: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6065 comments Hay, sorry friends. Nagtawag ang HR Manager ng meeting sa July 17 at 2-6pm. Sakto sa schedule nito. So, di ako makakapunta rito. Work first. Sorry.


message 17: by Ranee (new)

Ranee | 1902 comments nya! sayang naman KD.
Sinu-sino na ang pupunta?
Gusto nyo bang magkita-kita muna tapos sabay pumunta dun or doon na lang tayo magkikita sa Visayas?


message 18: by Edgar Calabia (new)

Edgar Calabia Samar (ecsamar) | 3 comments Maraming salamat po ulit sa lahat! Mamaya na po ang launch ng bago kong books. Makapunta po sana kayo at magpakilala lang po kayo ha at na mula rin kayo sa Goodreads. Salamat po! Kitakits!


message 19: by DC (new)

DC (disguisedcyclone) | 437 comments Ngayon na nga pala ito! xD Salamat sa paalala, Sir Edgar :)

Ranee wrote: "nya! sayang naman KD.
Sinu-sino na ang pupunta?
Gusto nyo bang magkita-kita muna tapos sabay pumunta dun or doon na lang tayo magkikita sa Visayas?"


Hi Doc Ranee! Tuloy po kayo mamaya? Pinag-iisipan ko pa kasi; Las Piñas kasi uwi ko :/

Kung sakali, baka susubukan kong habulin 'yong sa Ateneo (430-6pm). Parang nalalayuan na ako masyado sa Visayas Ave. :(


message 20: by Ranee (new)

Ranee | 1902 comments aah. pwede naman ako pumunta sa ateneo. Paano ka ba pupunta dun? Weird kasi pumunta magisa ng bar eh.


message 21: by DC (new)

DC (disguisedcyclone) | 437 comments Ranee wrote: "aah. pwede naman ako pumunta sa ateneo. Paano ka ba pupunta dun? Weird kasi pumunta magisa ng bar eh."

Commute! MRT-LRT :) Kaso mga 5 pa alis ko sa office, at galing akong Makati xD Good luck; sana makahabol xD


message 22: by Edgar Calabia (new)

Edgar Calabia Samar (ecsamar) | 3 comments Salamat sa suporta ng The Filipino Group sa mga libro ko. Espesyal na pagbati kina DC at Doc Ranee na nakilala ko sa Conspiracy Bar kagabi. Maraming salamat po ulit at sana'y abangan ninyo sa National Book Stores ang mga libro.


message 23: by Ranee (new)

Ranee | 1902 comments naks naman! nagenjoy kami ni DC kahapon. First time ko sa isang book launch na ganung effect, may poetry reading at etc. Puro mga manunulat ang nandoon, nakakamangha, as in super.


message 24: by DC (new)

DC (disguisedcyclone) | 437 comments Edgar wrote: "Salamat sa suporta ng The Filipino Group sa mga libro ko. Espesyal na pagbati kina DC at Doc Ranee na nakilala ko sa Conspiracy Bar kagabi. Maraming salamat po ulit at sana'y abangan ninyo sa Natio..."

Sir Egay! Maraming salamat din sa imbitasyon! Nawa'y ipagpatuloy niyo ang panunulat (at pag-iimbita sa amin sa mga book launch, etc nyo)! Padayon!

Sana rin po makasama namin kayo sa mga future meet-ups ng grupo :)

Ranee wrote: "naks naman! nagenjoy kami ni DC kahapon. First time ko sa isang book launch na ganung effect, may poetry reading at etc. Puro mga manunulat ang nandoon, nakakamangha, as in super."

Tama! First time ko rin pumunta sa ganun! :) Grabe, medyo nagulat ako nang malaman ko na si Jun Cruz Reyes na pala ang nag-iintro! Woh!

Random Photos: (Sayang, wala akong people photos! Hahaha!)

Untitled
Conspiracy Bar

Untitled
Pusitcharon (Hahaha, Doc Ranee!)

Untitled
New books!

Untitled
Autograph!


message 25: by Ranee (last edited Jul 17, 2012 10:45PM) (new)

Ranee | 1902 comments ay grabe, ang legendary pusitcharon! iyan ang dahilan kung bakit nahihiya kaming lumapit ke Egay(feeling close agad eh)nung una, feeling namin kelangan namin ng mouthwash kahit mentos man lang bago makipagusap.

baka kasi sabihin nya mababaho mga taga GR-TFG, fail talaga, as in!


message 26: by DC (new)

DC (disguisedcyclone) | 437 comments Well, at least nahikayat natin siyang sumama sa mga future meet-ups. Yay! :)

His books are now on Goodreads! :) Add them, check them out, review them - support Filipino authors! :D

New books:
Sa Kasunod ng 909 by Edgar Calabia Samar
Sa Kasunod ng 909

Halos Isang Buhay Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela by Edgar Calabia Samar
Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela


message 27: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6065 comments I say "Amen" to that, DC.


message 28: by Ranee (new)

Ranee | 1902 comments Kuya, inimbita ko sya sa mga future meet-ups natin. libre daw sya ng weekends, most of the time. Natuwa naman siya sa ating book club, hehe.


message 29: by K.D. (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6065 comments Let's try to campaign for at least one of his books to be included in TFG100 2013-14 edition. The way to do this is to entice the active members (who have the chance to compose the 2013 Selection Committee) to read Mr. Samar's works.

Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar
was longlisted in the 2009 Man Asian Literary Prize (equivalent into ng Booker sa Asia). This became possible because this was translated in English. Unfortunately, this is only currently being sold in Tagalog.

So far:
K.D. (Dec 2010) : 4 stars
D.C. (Jan 2011) : 4 stars
Kristel (Jul 2011) : 4 stars
Ayban (Jan 2012) : 4 stars
Jhive (May 2012) : 3 stars
Ranee (July 2012) : 4 stars

I invited Jhive to show up sa F2F7. Di lang pinayagan ng mama nya dahil gabi na raw ang uwi. Baka sa F2F8 kung bibigyan sya ng pamasahe.


message 30: by Ranee (new)

Ranee | 1902 comments I would push this. Go,go,go!


message 31: by K.D. (last edited Jul 19, 2012 08:36PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6065 comments I couldn't believe that I was the one who read "Diwata" first. Oh maybe Kristel read it first but only reviewed later. I also thought that Will read this before me as he was the one from whom I got the recommendation. But he hadn't read it yet?


message 32: by Ranee (new)

Ranee | 1902 comments hehe. I remember how I got to know the book, why the cover looked familiar. I saw it in NBS crossings months ago. I was looking at the Filipiniana section, contemplating which Filipino book would smell right. Sadly, this book did not and had to settle for Fastfood fiction (which i still owe a review. Talk about first impressions.
It was only until KD told me what this book that I finally understood that it was way better than the smell of its pages. For that, thanks KD for the recommendation


back to top