Pinoy Reads Pinoy Books discussion

This topic is about
Bob Ong
Pinoy Completists
>
Bob Ong

at sang-ayon ako sayo K.D. , babasahin ko din kung anu pa man ang isulat nya. Kahit hanggang ngayon ay di pa rin ako sigurado kung nag-eexist talaga siya :)
IDOL ko pa rin siya, kahit anung mangyari.

Tama, maganda rin nga kung kilala sya upang ma-relate ang relasyon ng personal life nya sa mga sinusulat nya. Kaya lang nga, trip-trip lang at yong ang ibig nya. Para rin siguro makakuha ng atensyon? Siguro, pag nalalaos na sya (wag naman sana) bigla syang lilitaw para mapagusapan at presto, biglang sikat ulit?
Mahalaga na lang siguro ay nakakapagbahagi sya ng talento at kaalaman nya. Pero tao sya, Jhive. Doon sa isang libro, ikinuwento nya na siya ay sumali sa "The Weakest Link" ni Edu Manzano noong araw.
Mahalaga na lang siguro ay nakakapagbahagi sya ng talento at kaalaman nya. Pero tao sya, Jhive. Doon sa isang libro, ikinuwento nya na siya ay sumali sa "The Weakest Link" ni Edu Manzano noong araw.

Sa kanyang mga akda ang pinakamagandang impluwensya na nagawa niya sa mga kabataang mambabasa ay ang kwentong chalk at ang baligtad na libro na may kahulugan ang isang dagitab.
Nang magsimula siyang mag-venture-out sa fiction tulad ng mga kwento ni mama susan at ni kapitan sino, natutunan nating may kakayahan siya sa ganoong aspeto ng panunulat.
Ngunit nang magsimula siyang magsulat ng satire - tulad ng Lumayo ka nga sa Akin, tila ako ay nainis. Halatang na-pressure siyang magsulat. Naramdaman ko yung feeling na "Ay, nasimulan ko na eh. Tapusin ko na lang ang akdang ito nang mailabas na at makapag-isip ng bagong isusulat."
Bob Ong, kung narito ka sa goodreads, unawain mo sana na pwede mong itapon ang mala-basurang akda kung ikaw mismo hindi naniniwalang maganda ang magiging resulta nito. The heck with fans pressuring you to write (though this is more of personal note, wala akong alam sa ganyang negosyo, ako ay tila isang mambabasa lang).
Pwede kang magsimula ulit. Yun lang naman. Start over. Go back to fiction, dahil dito mo nakuha ang niche mo.This and the psychograph styles of kwentong chalk. All readers understand your sentiments and your message through these genre.
FAN MO PA RIN AKO KAHIT MAHILIG KANG MAG-EXPERIMENT. Tara, pakasalan mo na ako? hahahaha ^_^
Jhive, siguro pinangatawanan na nya?
Ella, baka lolo na si Bob Ong, lagot ka sa offer mo.
Ang dalawang sinulat na una ni Bob Ong ay pawang non-fic (ABNKKBSNPLAko? at "Bakit Baligtad." (2001/2002). Then 2003, sya nag fiction ("Hudas" at "Alamat"). Balik non-fic sa "Stainless." Then the rest ay fiction na: Kapitan Sino, MacArthur, Mama Susan at Lumayo. Para lang sigurong si Madonna yan? Nagtra-try na huwag siyang pagsawaan kaya iba't ibang genres ang sinusubukan?

si Bob Ong ay hindi tao.. sabi ng kakilala ko (sikreto lang) para siyang Carolyn Keene daw. Marami sila.

Beverly, salamat sa pagtutuwid ng impormasyon tungkol kay Bob Ong.
Sang-ayon ako sa magandang ginagawa ng Visprint. At tama ka, Ryan, malinis tingnan ang kanilang mga aklat. Bihira pati ang typo. World class na halos.
Sang-ayon ako sa magandang ginagawa ng Visprint. At tama ka, Ryan, malinis tingnan ang kanilang mga aklat. Bihira pati ang typo. World class na halos.

Hindi ko nagustuhan yung "Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan".
Marami ang nagsasabi nakakatakot daw yung last part.. kaya lang nung natapos ko.. Di ako kinilabutan.

Pero nung "interview" ni Bob Ong, parang gusto kong hulaan kung sino sya.:)
Malaki din ang hanga ko sa Visprint, dahil hindi lang sa inaalagaan nila ang mga author nila, kundi alam din nila kung sino yung mga readers or market ng libro nila. Hindi lang sila nagpu-publish dahil sa pangalan ng manunulat. Binabasa nila yung manuscript at iniisip kung babasahin ba ito o bibilhin ba ito ng target audience nila.
Hanga din ako sa marketing nila. At sa connection nila with the readers.:)
Beatrice, tungkol sa "Mama Susan," sinubukan mo bang i-Google translate yong mensaheng nasusulat sa Latin? Yong iba, doon natakot.
May kaibigan ako na ang pinaka-gusto sa nasulat ni Bob Ong ay iyong "Paboritong Aklat ni Hudas." Sabagay, kanya-kanya naman talagang panlasa lang yan. Sana, may makatugma rin ang panlasa mo sa mga nasulat na nya.
Fanta, may isang sinulat sa Bob Ong (nakalimutan ko na lang kung alin) na sinabi nyang nag-participate sya as contestant sa "The Weakest Link" ni Edu Manzano. Parang bago pa lang yata syang manunulat at di pa masyadong kilala. Kaya ang tinggin ko talaga ay isang tao lang sya. May sincerity naman sya kung magsulat kagaya doon sa "ABNKKBSNPLAko?"
Tama ka sa connection ng Visprint sa readers. Magaling silang kumilatis ng magugustuhan ng mas maraming mambabasa.

Oo. Mabilis basahin at madaling maintindihan ang mga aklat ni Bob Ong. Kahit nasa MRT ka't nakatayo, puwedeng mong basahin at maiintindihan mo.

Halos pareho tayo ng mga paborito, Jalyn. Numero uno pa rin talaga sa akin ang ABNKKBSNPLAko? Tawa ako nang tawa noong una ko itong mabasa. Parang Christmas gift pa nga yata ng officemate ko. Tapos binasa ko, di ko type. Tapos nawaglit at paulit-ulit nyang tinatanong: "Nabasa mo na ba?" Then noong maging member ako ng GR at nakita kong maraming nagbabasa ng Bob Ong, hinanap ko. Tinapos ko. Maganda nga.

Swak sa pusong pinoy, Jalyn. Damdam ng nagbabasa ang mga karanasan ni Bob Ong, masaya man o malungkot.

Nicole, tama. Nabasa ko noon na may website dati si Bob Ong. Di na lang na-maintain. Ganoon din si Edgar Calabia Samar. Ang ATISAN. Wala na rin time kasi busy sa pagsusulat.
Para sa akin di na rin mahalaga kung sino si Bob Ong. Yan na nga siguro ang misteryo sa kanya. Parang yong mga elusive brilliant authors sa ibang bansa: J.D.Salinger at Pynchon. Hindi halos nagpapa-interview at nagpapakita sa media pero sikat at mahuhusay.

Maslalo na sa Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?. Sa Gitna niya inilagay ung kanyang mensahe sa mambabasa. Dahil alam niya na di babasahin ito pag sa umpisa pero pag sa gitna, babasahin ito.
Tama, Nicole. May mga taong ayaw yong parang nagngangaral ang author. Kaya dapat gawing nakakatawa pero kung iisipin mo ay ang mga di kaaya-ayang ugali ng mga Pilipino ang nariyan sa librong iyan pati na ang mga kapalpakan ng gobyerno.

Oo nga. Minsan masarap basahin muna ang kuwento. Tapos uulitin mo para ma-enjoy naman ang ibang bagay kagaya ng theme, storytelling style, focus sa characters, etc.

Books mentioned in this topic
ABNKKBSNPLAKo?! (other topics)Ang mga Kaibigan ni Mama Susan (other topics)
Kapitan Sino (other topics)
ABNKKBSNPLAKo?! (other topics)
Stainless Longganisa (other topics)
More...
Ito ang mga nasulat nyang nabasa ko na (ang pagkakasunud-sunod ay ayon sa pinakapaborito ko):
1. ABNKKBSNPLAKo?!
2. MACARTHUR
3. Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?
4. Alamat ng Gubat
5. Stainless Longganisa
6. Lumayo Ka Nga Sa Akin
7. Kapitan Sino
8. Ang mga Kaibigan ni Mama Susan
9. Ang Paboritong Libro ni Hudas
At babasahin ko pa kung ano pa man ang isusulat nya. Hindi ito sakripisyo. Ito ay pagsuporta sa isang magiting na manunulat na Pinoy na Pinoy.