Pinoy Reads Pinoy Books discussion

299 views
Pangkalahatan > Balak Basahin

Comments Showing 1-50 of 548 (548 new)    post a comment »
« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 10 11

message 1: by K.D., Founder (last edited Apr 30, 2014 06:28PM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Anong mga nakalinya ninyong Librong Pinoy?

Ako ang mga ito:

Mga Kuwentong Paspasan by Vicente García Groyon Pasyon and Revolution Popular Movements in the Philippines, 1840-1910 by Reynaldo Clemeña Ileto Demons of the New Year An Anthology of Horror Fiction From the Philippines by Karl R. de Mesa Horror Filipino Fiction for Young Adults by Dean Francis Alfar

Last Updated: 5/1/2014


message 3: by K.D., Founder (last edited Sep 26, 2012 04:49AM) (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Diane, salamat sa pagsali. Lagi ko pa ring nakikita yong mga libro ni Jim sa NBS. Noon ding MIBF, mayroon sa UST booth.

Maganda yang binabasa mo. Madalas banggitin sa binabasa kong libro ngayon. Kay Samar din. Alam mo ba kung kailan lalabas yong Sa Kasunod ng 909?


message 4: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Po, salamat!


message 5: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Diane, hayaan mo, pagnakakita ako, sasabihan kita. Oo, si Beverly ay si Bebang Siy. Minsan din ang tawag sa kaya ay Bebs. Pag nabasa mo ang It's A Mens World, marami pa sya roong sinabing mga aliases nya.


message 6: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments K.D. , meron na sa mga bookstores yung Sa Kasunod ng 909., alam ko meron na nun sa NBS e.


message 7: by twstrfries (new)

twstrfries | 3 comments It's A Mens World by Bebang Siy
Nabili ko to sa MIBF. At pagbukas ko, nakita ko agad pirma ni Bebang Siy. :)


message 8: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Jhive, Oo, nakabili na ako kahapon at sisimulan kong basahin ngayon. Bakit ganoon? Nasa sulok ang librong ito? Bagong labas, tapos kung di ka pa tutungo sa middle shelf ng NBS Bestsellers sa Robinson Galleria, di mo pa ito makikita? Samantalang ang mga librong anik-anik ng mga dayuhan, andoon sa New Titles, NBS Recommends, at di ka na kailangang tumingkayad para makita't maabot sila? Paging, NBS! Paki-ayos po ang display ng mga Librong Pinoy!!!

Alona, Una-unang post mo dito! Salamat sa pagsali. Hintayin natin si Bebang baka gusto nyang mag-moderate ng libro nya. *fingers crossed*


message 9: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Kaya nga eh, Kung anu yung bago , kung anu yung pinoy , yun yung nasa sulok.,


message 10: by Edgar Calabia (new)

Edgar Calabia Samar (ecsamar) | 34 comments Iyan ang "irony" ng "National" Book Store. Pero sa ngayon, magpasalamat na rin tayo na may malawak na book store chain na naaabot ang maraming lugar. Pero suportahan din sana natin ang mas maliliit at independent na book shops na sumusuporta sa Philippine & indie publications.


message 11: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
I love Popular Bookstore in Tomas Morato. I always enjoy chatting with the owner but I still do not know his name.

That was where I bought the first issue of "Tapat", Egay. I liked "Sambahin ang Katawan." Unforgettable writing. Have there been succeeding issues after that? Gusto ko sanang bumili pero the last time na naroon ako sa Popular, wala akong nakita at wala noon ang may-ari kaya di ko natanong.


message 12: by Edgar Calabia (new)

Edgar Calabia Samar (ecsamar) | 34 comments Oo, meron K.D. Nakakaapat na isyu na kami. Sa ikalawang isyu tampok ang nobelang "Hari Manawari" ni German Gervacio at may interview kay Genevieve Asenjo; sa ikatlong isyu ang dalawang nobeleta ni Mayette Bayuga na "Halinghing sa Hatinggabi" at "Sa Templo ni Tamilah" at may interview naman kay Luna Sicat-Cleto. Sa latest issue namin, ang nobelang "Himagsik ng mga Puno" ni Khavn De La Cruz, at panayam kay Alvin Yapan. Iniraraos namin itong Tapat dahil naniniwala akong kailangan pa ng maraming publikasyon na maglalathala ng nobelang Filipino. Na bilang manunulat sa isang bayan na kagaya natin, di maaaring nagsusulat lang ako. Kailangang nagbubukas din ako ng posibilidad upang malathala ang iba. Pero kung tutuusin, mga award-winning na itong mga nobelista namin, at nagsisimula pa lang ang Tapat. Kaya sa isang banda, sila ang nagbibigay sa ngayon ng prestige sa journal.


message 13: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Gusto kong bilhin lahat ng mga susunod na issues, Egay. Saan makakabili?


message 14: by Edgar Calabia (new)

Edgar Calabia Samar (ecsamar) | 34 comments Di pa kami makapagdala sa book stores dahil tinatapos pa ang application ng Tapat sa BIR, katatapos lang ng SEC. Kapag napadaan ka sa Ateneo, puwedeng sa akin mismo kumuha. 3-man team lang kasi ito, at wala kaming energy ngayon para makapunta sa Morato para makapagdala ulit doon. Actually three copies na lang 'yung third issue (dahil siguro erotic novels iyon kaya maraming bumili haha) at wala na sana akong balak ibenta, pero kung ikaw ang kukuha, at para naman makompleto mo, sige ibebenta ko na rin 'yung isang kopya. Itatago ko na lang para sa iyo, para kung kailan man tayo magkikita in the future.


message 15: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Edgar wrote: "Di pa kami makapagdala sa book stores dahil tinatapos pa ang application ng Tapat sa BIR, katatapos lang ng SEC. Kapag napadaan ka sa Ateneo, puwedeng sa akin mismo kumuha. 3-man team lang kasi ito..."

Salamat. Akin na yong Vols 1-4 para souvenir. Parang may nanghiram o nanghingi noong Vol 1 at di ko na matandaan kung nasaan. I'll pay you for all them. Salamat, Egay.

Kailan kaya ako makakapunta sa Ateneo? Pag ba Sabado, naroroon ka?


message 16: by Edgar Calabia (new)

Edgar Calabia Samar (ecsamar) | 34 comments Naku, K.D., iyung Volume 1 ang wala na talagang kopya, marami ngang naghahanap. Baka sa Popular meron pa, kasi 10 yata ang iniwan namin noon doon. Wala ako sa Ateneo kapag Sabado this sem. Pero next sem, mukhang may Saturday class ako.


message 17: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Edgar wrote: "Naku, K.D., iyung Volume 1 ang wala na talagang kopya, marami ngang naghahanap. Baka sa Popular meron pa, kasi 10 yata ang iniwan namin noon doon. Wala ako sa Ateneo kapag Sabado this sem. Pero nex..."

Sige, baka maala-ala ko kung naka-nino ang unang volume. Yon na lang vols 2-4. Salamat.

Ang susunod na semestre ay Nobyembre, di ba? Ayos, malapit na rin naman. Hintayin ko na lang. Mag-enjoy na lang muna ako dito sa huling nobela mo. Try ko rin ang Popular siguro bukas para makadalaw na rin sa kaibigan ko roon. Happy weekend, Egay. Salamat ng marami.


message 18: by Edgar Calabia (new)

Edgar Calabia Samar (ecsamar) | 34 comments Maraming salamat din sa lahat ng suporta!


message 19: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Walang anuman. Basta para sa Panitikang Filipino. At dahil na rin mahusay ka, ikinalulugod ka naming suportahan. Marami kang tagahanga rito na tunay na mga mambabasa ng mga aklat na sariling atin.


message 20: by Ogie (new)


message 21: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oppa, paborito ko yan. Satirikong paglalarawan sa mga nakakatawa nguni't totoong mga paguugali ng mga Pilipino. Go, Oppa! Sana maibigan mo rin.


message 22: by Hannah (last edited Sep 29, 2012 08:12PM) (new)

Hannah (kamehamewave) | 5 comments Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar Lumayo Ka Nga Sa Akin by Bob Ong Super Panalo Sounds! by Lourd Ernest H. de Veyra Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? At Iba Pang Technique Kung Paano Makaka-Move On sa Wasak na Puso by Ramon Bautista

Pagkatapos ng finals. Balak kong gamitin ang isang linggo sa sembreak ko sa pagbabasa :)


message 23: by Rise (new)

Rise Sa Mga Kuko ng Liwanag by Edgardo M. Reyes Ang Mundong Ito ay Lupa by Edgardo M. Reyes Laro Sa Baga by Edgardo M. Reyes Sa Aking Panahon by Edgardo M. Reyes Sugar and Salt by Ninotchka Rosca Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar

Mga bagong epektos. Pero baka sa 2013 ko na mabasa dahil marami pang nakahanay na babasahin.


message 24: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Hannah, balak ko ring basahin yang "Super Panalo Sounds." Yan ay noong may magpadala sa akin ng speech ni Lourd de Veyra noong graduation ng Mass Comm sa UP last April. Mahusay pala yon.

Ryan, Madadali lang basahin ang mga yan. Medyo mahaba lang ang "Laro" at medyo magiisip ka sa "Walong Diwata" kaya parang mabagal ang pagbabasa dapat. Yong "Sugar & Salt" parang 30 mins or less, tapos mo na.


message 25: by Rise (new)

Rise haha. tama ka, isang upuan lang ang Sugar & Salt.


message 26: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Pero maganda yan. Mabagal rin dapat ang pagbabasa para maka-interpret ka kung anong ibig sabihin ng mga "gifts."


message 27: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Gel, maganda ang mga akda ni Lualhati Bautista.

Parang nakakakita ako niyang pangatlong aklat mo. Pero dati pa. Wala na yata akong nakikita ganyan ngayon. Nag-try ka bang tawagan o puntahan ang FB or website ng publisher?


message 28: by W (new)

W | 24 comments Dekada '70 (Ang Orihinal at Kumpletong Edisyon) by Lualhati Bautista

Bukas, sisimulan ko nang basahin.


message 29: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paolo, maganda rin yan. Mabilis kang magbasa.

Sana magustuhan mo rin yan.


message 31: by Ogie (last edited Oct 01, 2012 03:14PM) (new)


message 32: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Oppa, gusto kong basahin yang Paghuhunos.

Yong "The Pink Morgue" parang gusto ko rin. Kaso, alam ko mahal yan eh.


message 33: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
I tried looking for a copy of that book last weekend. Di ko lang maala-ala kung anong title. Natatandaan ko na nakikita ko yan early this year sa NBS Recto. Makapal. Mabigat sa kamay. Parang sing-laki ng "Etsa Puwera" ni Jun Cruz Reyes o ng "Awit ni Kadunung" (forgot). Mga door stoppers pero balak ko silang basahin paisa-isa.

Thank you for reminding me, Diane.


message 34: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Paolo , grabe ang bilis mo magbasa ah, kainggit ang dami mong tagalog na libro.


message 35: by W (new)

W | 24 comments Sir Jhive, kasi sa simula ng buwan e binibigyan na ako ng allowance. Tapos mga 60 percent non e sa libro ko ginagasta. Isang bilihan lang para sa isang buwan.


message 36: by Jayvie (new)

Jayvie (necrofear24) | 344 comments Sana lang ganyan kalaki ang allowance ko para makabili ng ganyan kadaming libro >.<


message 37: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Pagkatapos ng Para kay B, gusto kong ipagpatuloy (para matapos ko na, naantala kasi ang pagbabasa ko, ilang taon na, sa librong ito) ang pagbabasa ko sa Letters from Palawan ni Criselda Yabes. Tungkol ito sa baybayin, gamit ng mga taga-Palawan hanggang recent times.

Me isa nga doon, sulat niya sa anak niyang namasukan bilang kasambahay sa Maynila. Sumagot ang anak niya, sa baybayin din!


message 38: by Rise (new)

Rise Beverly wrote: "... Letters from Palawan ni Criselda Yabes. ..."

Parang gusto ko yang libro na yan. Nakita ko na ang mga letra ng baybayin sa isang museo. Kahawig ng panulat ng mga Mangyan sa Mindoro. Sana makakita ako ng kopya. Sa Palawan kasi ako nakatira pero di ko pa nakita yang libro na yan.


message 39: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paolo, isa kang huwang Pilipino lalo't lalo na ang binabasa mo ay mga aklat ng ating panitikan!

Jhive, puwede ka namang manghiram. Ganyan ako noong nasa kolehiyo pa. Dahil kapos ang mga magulang, nanghihiram lang sa library o kaklase. Ngayong may trabaho na, hala, bili lang ng bili. 3 libo na ang libro ko sa bahay. Anong sinabi ng mga sapatos ni Imelda.

Beverly, parang gusto ko rin yan. Saan kaya kami makakabili ni Ryan?

Ryan, speaking of Mangyan Treasures, nasa Solidaridad ako noong weekend. Wala raw stock ang libro.


message 40: by Rise (last edited Oct 03, 2012 09:25PM) (new)

Rise May nakita akong libro online na related sa Mangyan Treasures. Ang pamagat ay Ambahan. Parehong awtor, mukhang una o ikalawang edisyon ng Mangyan Treasures, pero may kamahalan ang libro.

May mga sampol ng Ambahan sa web na pinost ng publisher ng libro, Mangyan Heritage Center. May kasamang salin sa English at Filipino:

http://www.mangyan.org/content/ambahan

ETA: Nag-inquire din ako kung may kopya pa silang binebenta. Sana mag-reply.


message 41: by Rise (last edited Oct 04, 2012 06:43AM) (new)

Rise Follow up sa Mangyan Treasures. Mabibili ito sa website ng publisher. 200 ang halaga, maliban sa courier fee na 150. Malaki ang diperensya nito sa binebenta sa ilang online sellers na earlier editions na umaabot ng 1,000 to 1,800.

Dito pwede umorder: http://mangyan.org/products/books-cards

Paraan ng pagbabayad: http://mangyan.org/content/online-ord...

May isang libro na ang title Nagmamagandang-Loob Po!. Ito ay tinagalog na Mangyan Treasures, mas makapal dahil may mga litrato at masusing paliwanag ng bawat tula.


message 42: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Salamat, Ryan.


message 43: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Hello, Ryan at KD, Bookmark ang publisher. heto ang link nila

http://bookmarkthefilipinobookstore.com/

baka may mabili kayo diyan. Good luck!


message 44: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments Ryan, nakarating na ako sa Palawan Museum, sobrang ganda! Sobrang dami kong natutuhan. Marami din dun ang tungkol sa baybayin. May history, may mga sample, at iba pa. Nakapunta ka na ba doon? (yung katabi ng brgy. hall ng brgy model? (as in model ang name ng barangay!)


message 45: by Rise (new)

Rise Salamat, Beverly! Ha-huntingin ko yang book na yan.


message 46: by Beverly (new)

Beverly | 375 comments hindi pa yata ako nakapag hello kay alona!


message 47: by Rise (new)

Rise Beverly wrote: "Ryan, nakarating na ako sa Palawan Museum, sobrang ganda! Sobrang dami kong natutuhan. Marami din dun ang tungkol sa baybayin. May history, may mga sample, at iba pa. Nakapunta ka na ba doon? (yung..."

Ya, napuntahan ko na din yun! May replika pa sila ng Manunggul jar. Fascinating talaga ang baybayin. Sana magpatuloy na ma-preserve ito.


message 48: by W (new)

W | 24 comments Luha ng buwaya by Amado V. Hernandez

Bukas, sisimulan ko nang basahin.


message 49: by K.D., Founder (new)

K.D. Absolutely (oldkd) | 6607 comments Mod
Paolo, mabuti ka pa't may kopya na. Hihintayin ko ang rebyu mo.


message 50: by Ayban (new)

Ayban Gabriyel | 207 comments Maganda yan Paolo! Agrarian novel yan, lupa at sakahan, pero puno yan ng damdamin. Hahaha! Sana magustuhan mo!

Kuya Doni, may kopya ako nito pahiramin kita, dalhin ko pagnagkita tayo.


« previous 1 3 4 5 6 7 8 9 10 11
back to top